Popularidad, hindi batayan sa paghalal ng mga bagong lider ng bansa-Caritas Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Umaasa ang social arm ng Archdiocese of Cebu na maging matalino ang mamamayan sa paghalal ng mga lider sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng bansa.

Sa pahayag ng Cebu Caritas binigyang diin nitong hindi popularidad ang batayan sa pagpili ng mga lider kundi nararapat tingnan ang katangiang tinataglay upang matiyak na mapaglingkuran ang bayan.

“The May 9 national and local elections is not a popularity contest. It is about choosing the right people who are true servant leaders. They are the women and men who can rise above their own personal interests and put the welfare of the Filipino people above everything else. They are the principled public servants who believe in and practice the core values of good governance.” bahagi ng pahayag ng Cebu Caritas.

Ayon sa pahayag sapat ang panahon ng pangangampanya upang kilalanin at kilatisin ng 67-milyong botante ang bawat kandidato lalo na ang kanilang track record at plataporma.
Hamon ng institusyon sa mamamayan ang pagpili ng mga kandidatong ayon sa konsiyensya sapagkat bukod sa karapatan ang pagboto isa rin itong sagradong gawain para sa kabutihan ng nakararami.

“The electoral process is not merely an exercise of our sacred right and duty. Rather, it also speaks to us as a nation. The sanctity of the process should be respected. Our vote is our choice for hope—hope for a better Filipino nation,” dagdag ng institusyon.

Tiniyak ng Cebu Caritas ang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pananalangin para sa matapat, maayos, makatotohanan, at mapayapang halalan sa ikasiyam ng Mayo.
Dalangin din nitong manaig ang katotohanan sa tulong at gabay ng Panginoon at mapigilan ang anumang banta ng pandaraya.

“We enjoin everyone to be vigilant, to pray, and to offer this particular intention for the success of the electoral process. We pray for an outcome that is truly reflective of the people’s will; May the hand of God stop the evil forces working to subvert the genuine aspirations of the electorate and defile the sanctity of the elections,” anila.

Makipagtulungan din ang simbahan sa Commission on Elections sa pagbabantay sa halalan sa tulong ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at ng Halalang Marangal 2022 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 1,500 total reads

 1,500 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 53,497 total reads

 53,497 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 90,287 total reads

 90,287 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 122,904 total reads

 122,904 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 173,846 total reads

 173,846 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 235,472 total reads

 235,472 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top