Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 397 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, 05 May 2022, Jn 6:44-51

Noong nakaraang Martes ipinagdiwang ng simbahang Katolika ang kapistahan nina San Felipe at Santiago Menor, dalawa sa orihinal na labindalawang apostol. Dapat sana noon binasa ang narinig nating kwento sa unang pagbasa natin ngayon—tungkol sa pagmimisyon ni Apostol San Felipe.

Ayon sa kuwento, narinig daw ni San Felipe na nagbabasa ang isang tao mula sa propeta Isaias habang nasa biyahe siya at nakasakay ng karuwahe. Ang taong ito ay isang Africano, galing sa bansang Ethiopia, pero sumamba daw siya sa Jerusalem; Ibig sabihin Hudyo rin siya. Ayon sa tradisyon, ang Reyna ng Sheba na tagahanga ni Haring Solomon ang nagdala pananampalatayang Hudyo sa Ethiopia.

Maganda ang entrada ni San Felipe para magkausap sila habang daan. Tinanong daw niya ang Africano, “Naiintindihan mo ba ang binabasa mo?” At ang sagot ng Africano ay, “Paano ko maiiintindihan kung walang magtuturo sa akin?”

Ang binabasa niya ay isa sa pinakamahirap na kabanata sa komposisyon ng propeta—ang chapter 53, tungkol sa tinatawag na “Tagapaglingkod ng Diyos” na ang katulad daw ay isang “tupang tahimik na dinala sa katayan, pinagkaitan ng katarungan, hinuli, hinatulan, hinamak at pinatay, kahit walang kasalanan.” Sabi pa ng kasunod na talata, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matapat na lingkod ay marami ang maitutuwid, at magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.”

Naranasan nyo na ba ang magbasa sa Bibliya, at parang ang lakas ng dating sa iyo ng binabasa mo? Palagay ko, ganito ang nararamdaman ng Africanong kausap ni San Felipe. Siyanga pala, “Eunuko” ang tawag sa mga katulad niya na utusan sa korte ng Reyna ng Ethiopia.

Noong mga panahon na iyon, may mga lalaking, sa hindi nila kagustuhan, ay pilit na pinalalaki upang kumilos at mabuhay bilang babae at hindi bilang lalaki. Ibig sabihin, mula pa sa pagkabata inilalayo na sila sa pamilya nila, at kinakapon sila na parang aso para burahin ang sekswalidad nila at ginagawang mga yaya ng mga royal family. Para silang hindi tao. Hindi sila bading; sila’y kusang binading. Pero required na magbasa at sumulat dahil naglilingkod sa palasyo. Ang buhay ng mga eunuko ay batbat ng pasakit at kaapihan. Kaya siguro ang eunuko sa ating kuwento ay nagbabasa ng Bibliya. Naghahanap siya ng kahulugan sa buhay niya.

At sa mismong sandaling iyon, Si San Felipe ang ipinadala ng Diyos sa kanya upang turuan siyang humugot ng kahulugan na magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay. Palagay ko iyon din naman ang dahilan kung bakit marami pa rin ang followers ng Misang ito sa online. Hindi naman para makinig sa akin, kundi siguro dahil may nakukuha kayong liwanag sa Salita ng Diyos.

Sa ating ebanghelyo, sinasabi ni Hesus, “Nasusulat sa mga propeta, silang lahat ay tuturuan ng Diyos.” Ganito ang paboritong larawan ng mga Hudyo tungkol sa Diyos—isang Guro. Kaya ang tawag sa unang limang aklat ng Bibliya ay TORAH. Ewan ko ba kung bakit kapag Tinatagalog ito, ang translation ay BATAS. Sa orihinal na kahulugan nito, mas malapit ang TORAH sa salitang Tagalog na TURO.

Sa tingin ko ang background ng sinasabi ni Hesus tungkol sa Tinapay ng Buhay ay galing sa Torah, sa Aklat ng Deuteronomio 8. Sa verse 3, sabi ng manunulat, “Hinayaan niya kayong dumanas ng gutom sa disyerto, at pagkatapos, pinakain niya kayo ng ‘manna’ – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman, maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa niya ito upang ITURO sa inyo na ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.”

Kaya ang tinutukoy ni Hesus na “tinapay ng buhay”, ang “kakanin sa araw-araw” na dapat daw nating ipagdasal na tayo’y pagkalooban ng Ama natin, ay walang iba kundi ang kanyang Salita. Sa umpisang-umpisa pa lang ng ebanghelyo ni San Juan, ipinakilala na kaagad ang Salita na lumikha sa mundo mula pa noong simula. Na ang Salita mismo ay Diyos, at ito’y nagkatawang-tao kay Hesus.

Siya ang Lingkod ng Diyos na ipinaliwanag ni San Felipe sa Africanong sinabayan niya sa paglalakbay at tinuruan niya. Siya ang pagkaing galing sa langit. Kaya siguro pag naririnig natin, nabubuhayan tayo ng loob, nakakasilip ng pag-asa, napapawi ang gutom. Kapag kinain natin siya, binabago niya tayo, ginagawa tayong katulad ng Lingkod ng Diyos—handang maghandog ng sariling buhay para sa kaligtasan ng marami, lalo na ng mga nalilihis ang landas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,201 total views

 88,201 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 95,976 total views

 95,976 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,156 total views

 104,156 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,653 total views

 119,653 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,596 total views

 123,596 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 1,475 total views

 1,475 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 1,477 total views

 1,477 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 1,644 total views

 1,644 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 2,193 total views

 2,193 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,843 total views

 2,843 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 10,028 total views

 10,028 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,736 total views

 4,736 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 8,489 total views

 8,489 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,620 total views

 7,620 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 7,458 total views

 7,458 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,871 total views

 8,871 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,867 total views

 10,867 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 8,106 total views

 8,106 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 9,431 total views

 9,431 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top