SENTRO, dismayado sa kakarampot na wage hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Nagdulot ng magkaibang reaksyon sa grupo ng mga employer at manggagawa ang inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB) na 33Php wage hike sa National Capital Region at 55Php hanggang 110Php naman para sa Western Visayas.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) bagamat susundin nila ang umento sa sahod ay nangangamba sila sa sektor ng Micro Small and Medium Enterprises (MSME).

Ipinaliwanag ni Sergio Luis Ortiz Jr – Pangulo ng ECOP na marami parin sa mga MSME sa bansa ang nanatiling sarado o hirap makabawi mula sa pagkalugi.

“Actually ang gusto sana naming mangyari, considering the situation i-except lahat yung micro (MSME) pero hindi mangyayari yun, okay nalang na taasan mo yun pero yung micro sana we’re trying to open, marami pang nakasara, because of that mayroong mga hindi na magbukas na kompanya or mayroong hindi na mag-hire ng iba so anyway doon sa maliliit yung mga 10 to 50 na empleyedo so retain” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ortiz.

Tinukoy ng ECOP, na aabot sa 65% ng mga manggagawa ang kabilang o nagtatrabaho sa mga MSME sa buong bansa.

Ayon naman sa pahayag ng ‘SENTRO ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa’, hindi sasapat ang karagdagang halaga ng suweldo dahil narin sa mataas na inflation rate na nanararanasan sa bansa.

“The P33 wage increase is a pittance and woefully inadequate. It is not even enough to allow workers to recover the lost value of their wages, according to the NWPC, as early as February 2022, real wage eroded by 43 pesos. Wage erosion worsened since then. After all,” ayon sa pahayag ng SENTRO.

Nakasaad sa katuruan ng simbahang katolika na mahalagang iayon ang sweldo ng manggagawa ayon sa pagggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang makapamuhay ang bawat isa ng may dignidad.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,055 total reads

 4,055 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,932 total reads

 27,932 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,492 total reads

 68,492 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,086 total reads

 95,086 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,352 total reads

 143,352 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,169 total reads

 164,169 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,960 total reads

 23,960 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top