Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tularan si San Isidro, hamon ng Pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,152 total views

Nais ng kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan na isabuhay ng mananampalataya ang gawa at mga halimbawa ni San Isidro na pintakasi ng mga magsasaka.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Father Dario Cabral, tema sa pagdiriwang ng kapistahan ang ‘Tinatawag sa Kabanalan’ na paanyaya sa bawat isa na mamuhay ng naaayon sa turo ng Panginoon tulad ni San Isidro Labrador.

“Nais namin na ang kabanalan ni San Isidro ay hindi paggunita kundi pagsasabuhay nito lalong lalo na sa larangan at sektor ng mga magsasaka sa ating bansa,” pahayag ni Fr. Cabral sa himpilan.

Tinukoy ng pari na ang pagiging masigasig, masipag at matiyaga ng mga magsasaka ay isang konkretong halimbawa ng pamumuhay sa kabanalan tulad ni San Isidro Labrador.

Sinabi ng Pari na malaki ang tungkuling ginagampanan ng sektor ng pagsasaka na katuwang ng Panginoon sa pangagalaga sa kalikasang ipinagkaloob sa sangkatauhan.

“Ipinakikita ng mga magsasaka ang sipag at tiyaga na linangin ang bukid hindi para sa sarili kundi para mapakain ang lipunan; kabanalan iyon dahil inuuna ang kapakanan ng kapwa bago ang sarili,” ani Fr. Cabral.

Dahil dito hamon ni Fr. Cabral sa bawat mamamayan na magbuklod tungo sa Panginoon at hilumin ang anumang hindi pagkakaunawaan gaya ng pagkakahati-hati nitong nagdaang halalan.

“Hamon sa atin na iwaksi ang ating pagkamakasarili, yakapin ang isa’t isa tulad ng mga magsasaka na iwinaksi ang sariling kapakanan para mapakain ang bawat mamamayan,” giit ng pari.

Si San Isidro Labrador ay kilala sa kanyang malalim na pananampalataya sa Panginoon kung saan araw-araw itong bumibisita sa mga simbahan bago tumungo sa kanyang bukirin.

Pumanaw ang santo noong Mayo 15, 1130 at idineklarang banal noong 1622 kasama sina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

Ang Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1794 habang 1873 ng tawagin itong San Isidro de Pulilan sa pangunguna ni Fr. Simon Barroso.

Naitalagang unang kura paroko sa dambana si Fray Vicente Villamanzo, mula sa Order of Saint Augustine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 72,942 total views

 72,942 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 140,430 total views

 140,430 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 161,495 total views

 161,495 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 182,566 total views

 182,566 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 214,002 total views

 214,002 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top