Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SENTRO, dismayado sa kakarampot na wage hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total views

Nagdulot ng magkaibang reaksyon sa grupo ng mga employer at manggagawa ang inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB) na 33Php wage hike sa National Capital Region at 55Php hanggang 110Php naman para sa Western Visayas.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) bagamat susundin nila ang umento sa sahod ay nangangamba sila sa sektor ng Micro Small and Medium Enterprises (MSME).

Ipinaliwanag ni Sergio Luis Ortiz Jr – Pangulo ng ECOP na marami parin sa mga MSME sa bansa ang nanatiling sarado o hirap makabawi mula sa pagkalugi.

“Actually ang gusto sana naming mangyari, considering the situation i-except lahat yung micro (MSME) pero hindi mangyayari yun, okay nalang na taasan mo yun pero yung micro sana we’re trying to open, marami pang nakasara, because of that mayroong mga hindi na magbukas na kompanya or mayroong hindi na mag-hire ng iba so anyway doon sa maliliit yung mga 10 to 50 na empleyedo so retain” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ortiz.

Tinukoy ng ECOP, na aabot sa 65% ng mga manggagawa ang kabilang o nagtatrabaho sa mga MSME sa buong bansa.

Ayon naman sa pahayag ng ‘SENTRO ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa’, hindi sasapat ang karagdagang halaga ng suweldo dahil narin sa mataas na inflation rate na nanararanasan sa bansa.

“The P33 wage increase is a pittance and woefully inadequate. It is not even enough to allow workers to recover the lost value of their wages, according to the NWPC, as early as February 2022, real wage eroded by 43 pesos. Wage erosion worsened since then. After all,” ayon sa pahayag ng SENTRO.

Nakasaad sa katuruan ng simbahang katolika na mahalagang iayon ang sweldo ng manggagawa ayon sa pagggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang makapamuhay ang bawat isa ng may dignidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 71,343 total views

 71,343 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 138,831 total views

 138,831 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 159,896 total views

 159,896 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 180,993 total views

 180,993 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 212,549 total views

 212,549 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top