Tularan si San Isidro, hamon ng Pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,307 total reads

Nais ng kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan na isabuhay ng mananampalataya ang gawa at mga halimbawa ni San Isidro na pintakasi ng mga magsasaka.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Father Dario Cabral, tema sa pagdiriwang ng kapistahan ang ‘Tinatawag sa Kabanalan’ na paanyaya sa bawat isa na mamuhay ng naaayon sa turo ng Panginoon tulad ni San Isidro Labrador.

“Nais namin na ang kabanalan ni San Isidro ay hindi paggunita kundi pagsasabuhay nito lalong lalo na sa larangan at sektor ng mga magsasaka sa ating bansa,” pahayag ni Fr. Cabral sa himpilan.

Tinukoy ng pari na ang pagiging masigasig, masipag at matiyaga ng mga magsasaka ay isang konkretong halimbawa ng pamumuhay sa kabanalan tulad ni San Isidro Labrador.

Sinabi ng Pari na malaki ang tungkuling ginagampanan ng sektor ng pagsasaka na katuwang ng Panginoon sa pangagalaga sa kalikasang ipinagkaloob sa sangkatauhan.

“Ipinakikita ng mga magsasaka ang sipag at tiyaga na linangin ang bukid hindi para sa sarili kundi para mapakain ang lipunan; kabanalan iyon dahil inuuna ang kapakanan ng kapwa bago ang sarili,” ani Fr. Cabral.

Dahil dito hamon ni Fr. Cabral sa bawat mamamayan na magbuklod tungo sa Panginoon at hilumin ang anumang hindi pagkakaunawaan gaya ng pagkakahati-hati nitong nagdaang halalan.

“Hamon sa atin na iwaksi ang ating pagkamakasarili, yakapin ang isa’t isa tulad ng mga magsasaka na iwinaksi ang sariling kapakanan para mapakain ang bawat mamamayan,” giit ng pari.

Si San Isidro Labrador ay kilala sa kanyang malalim na pananampalataya sa Panginoon kung saan araw-araw itong bumibisita sa mga simbahan bago tumungo sa kanyang bukirin.

Pumanaw ang santo noong Mayo 15, 1130 at idineklarang banal noong 1622 kasama sina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

Ang Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1794 habang 1873 ng tawagin itong San Isidro de Pulilan sa pangunguna ni Fr. Simon Barroso.

Naitalagang unang kura paroko sa dambana si Fray Vicente Villamanzo, mula sa Order of Saint Augustine.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 886 total reads

 886 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,146 total reads

 8,146 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,655 total reads

 22,655 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,216 total reads

 63,216 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,059 total reads

 90,059 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,324 total reads

 138,324 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,381 total reads

 159,381 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top