Sambayanang Filipino, hinamon ng Obispo na pagninilayan ang pakikilahok sa nagdaang halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na paunlarin at lawakan ang kamalayan sa political system ng bansa.

Ito ang mensahe ng obispo sa katatapos na 2022 national and local elections noong Mayo 9 kung saan iginiit na marami pa ang nararapat baguhin sa sistema ng paghalal ng mga lider ng bayan.

Paanyaya ni Bishop Santos sa mamamayan na pagnilayan ang nagdaang halalan upang matuto at magkaroon ng sapat na paggabay sa mga susunod na eleksyon.

Hamon ng opisyal sa mga Pilipino ang pakikiisa sa pagkamit ng pagbabago ng lipunan na nararapat simulan sa sarili.
“Kilalanin po natin at tanggapin na mayroon pa rin magagawang pagbabago. Tunay po na mayroon dapat pang ayusin, alisin at linisin. Totoo po na mayroon pa tayong magagawang maganda at mabuti. Aminin po natin mayroon rin dapat baguhin. Datapuwa’t nararapat lamang na simulan natin ito sa ating mga sarili. Unahin po natin ang pagtutuwid at pagtatama sa ating mga sarili,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang pananatili ng vote buying at vote selling sa bansa bukod pa ang popularity mentality gayundin ang political dynasty at paniniwala sa fake news.

Ayon pa nni Bishop Santos bilang kristiyano nararapat na tanggihan ang anumang uri ng maling gawain sa halip ay isulong ang mabuting halimbawa sa pagpili ng mga lider ng bayan.

“Magagawa pa rin natin pumili, sumulat at kumilos ayon sa isinasaad ng ating konsensiya, batay sa moralidad at wastong asal at batay sa mga Kautusan ng Panginoong Diyos,” giit ni Bishop Santos.

Hamon ng obispo sa bawat isa lalo na sa mahigit 60-milyong botante na pagnilayan ang pakikilahok sa halalan at humingi ng kapatawaran sa Panginoon kung nakalalabag sa kanyang kautusan sa pagpili ng mga kandidato.

“Kung tayo man ay lumabag sa Kanyang mga Kautusan, ang lahat ng ito ay ating pagsisihan. Kung tayo man ay sa ating salita at gawa higit sa lahat noong Halalan ay hindi nakapagdulot ng pagpaparangal sa Kanyang kadakilaan, tayo ngayon ay magtika at mangako na hindi na ito magaganap na muli sa ating pamumuhay,” saad pa ni Bishop Santos.

Pinasasalamatan naman ng obispo ang mga naglingkod sa halalan sa pangunguna ng Commission on Elections, Philippine National Police, Philippine Army, Department of the Interior and Local Government, Department of Education at higit sa lahat ang mga volunteer’s ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Pinasalamatan din ng obispo ang mamamayan sa Bataan na sumunod sa nilagdaang Peace Covenant na nagdulot ng matagumpay na halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 25,355 total reads

 25,355 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 132,197 total reads

 132,197 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 168,984 total reads

 168,984 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 199,558 total reads

 199,558 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 246,944 total reads

 246,944 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top