Huwag mangamba

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 757 total views

Ito ang tagubilin ni Camillian priest Father Dan Cancino sa mga patuloy na nakakaranas ng depresyon dulot ng iba’t ibang krisis na nangyayari sa kapaligiran.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care, karamihan sa mga nakakaranas ng depression at anxiety ay nahihirapan pa ring ibahagi ang kanilang mga nararamdaman dahil sa takot na mahusgahan ng lipunan.

Ipinaliwanag ng pari na ito’y dahil ang tingin pa rin ng lahat sa usapin ng mental health ay karaniwan lamang na problemang madaling matugunan.
“Itong mental health issues natin ay punung-puno ng stigma. Marami ang hindi out o kaya’y ayaw magsabi ng kanilang pangangailangan dahil may nakakabit na stigma,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization, tumaas ng 25 porsyento ang paglaganap ng depression at anxiety sa buong mundo sa unang taon pa lamang ng pandemya.
Ang pagiging mag-isa, takot na mahawaan ng virus, kalungkutan dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay, at ang kawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga dahilan ng lubusang pagkabalisa ng mga tao.

Hinikayat naman ni Fr. Cancino ang bawat isa na pakinggan at damayan ang mga humaharap sa mabibigat na pagsubok ng buhay nang sa gayon ay matulungang malinawan ang isipan at gumaan ang pakiramdam.

“Nawa lahat tayo sana ay magkaroon ng isang buhay na nakikinig. A listening life. Nakikinig hindi lang sa sarili pero pakinggan natin ang ating mga kapatid, mga kapanalig na may pinagdadaanan,” ayon sa pari.
Sinabi pa ng pari na ang simbahan ay palaging nakahanda at bukas upang pakinggan ang mga saloobin ng mga taong lubos na naghihirap dulot ng iba’t ibang isipin at pasanin sa buhay.

“Sa ating mga kapanalig na dumadaan sa isang mahirap na sitwasyon, karanasan ng buhay, ‘yung mga nade-depress, anxious, disappointed, kailangan ng kausap, ang ating simbahan po ay open. Makipag-ugnayan po kayo sa mga tao na nakikita n’yong makakatulong sa inyo,” saad ni Fr. Cancino.

Para sa mga nakakaranas ng mental health crisis, maaaring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa landline sa mga numerong 1553 o sa pamamagitan ng mobile sa 0917-899-8727 at 0966-351-4518 para sa Globe at TM subscribers, at 0908-639-2672 para naman sa mga Smart at TNT subscribers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 72,841 total views

 72,841 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 116,449 total views

 116,449 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 199,189 total views

 199,189 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 210,829 total views

 210,829 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top