Sambayanang Filipino, hinamon ng Obispo na pagninilayan ang pakikilahok sa nagdaang halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na paunlarin at lawakan ang kamalayan sa political system ng bansa.

Ito ang mensahe ng obispo sa katatapos na 2022 national and local elections noong Mayo 9 kung saan iginiit na marami pa ang nararapat baguhin sa sistema ng paghalal ng mga lider ng bayan.

Paanyaya ni Bishop Santos sa mamamayan na pagnilayan ang nagdaang halalan upang matuto at magkaroon ng sapat na paggabay sa mga susunod na eleksyon.

Hamon ng opisyal sa mga Pilipino ang pakikiisa sa pagkamit ng pagbabago ng lipunan na nararapat simulan sa sarili.
“Kilalanin po natin at tanggapin na mayroon pa rin magagawang pagbabago. Tunay po na mayroon dapat pang ayusin, alisin at linisin. Totoo po na mayroon pa tayong magagawang maganda at mabuti. Aminin po natin mayroon rin dapat baguhin. Datapuwa’t nararapat lamang na simulan natin ito sa ating mga sarili. Unahin po natin ang pagtutuwid at pagtatama sa ating mga sarili,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang pananatili ng vote buying at vote selling sa bansa bukod pa ang popularity mentality gayundin ang political dynasty at paniniwala sa fake news.

Ayon pa nni Bishop Santos bilang kristiyano nararapat na tanggihan ang anumang uri ng maling gawain sa halip ay isulong ang mabuting halimbawa sa pagpili ng mga lider ng bayan.

“Magagawa pa rin natin pumili, sumulat at kumilos ayon sa isinasaad ng ating konsensiya, batay sa moralidad at wastong asal at batay sa mga Kautusan ng Panginoong Diyos,” giit ni Bishop Santos.

Hamon ng obispo sa bawat isa lalo na sa mahigit 60-milyong botante na pagnilayan ang pakikilahok sa halalan at humingi ng kapatawaran sa Panginoon kung nakalalabag sa kanyang kautusan sa pagpili ng mga kandidato.

“Kung tayo man ay lumabag sa Kanyang mga Kautusan, ang lahat ng ito ay ating pagsisihan. Kung tayo man ay sa ating salita at gawa higit sa lahat noong Halalan ay hindi nakapagdulot ng pagpaparangal sa Kanyang kadakilaan, tayo ngayon ay magtika at mangako na hindi na ito magaganap na muli sa ating pamumuhay,” saad pa ni Bishop Santos.

Pinasasalamatan naman ng obispo ang mga naglingkod sa halalan sa pangunguna ng Commission on Elections, Philippine National Police, Philippine Army, Department of the Interior and Local Government, Department of Education at higit sa lahat ang mga volunteer’s ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Pinasalamatan din ng obispo ang mamamayan sa Bataan na sumunod sa nilagdaang Peace Covenant na nagdulot ng matagumpay na halalan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 919 total reads

 919 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,706 total reads

 22,706 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,267 total reads

 63,267 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,108 total reads

 90,108 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,373 total reads

 138,373 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,427 total reads

 159,427 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top