Huwag mangamba

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 906 total reads

Ito ang tagubilin ni Camillian priest Father Dan Cancino sa mga patuloy na nakakaranas ng depresyon dulot ng iba’t ibang krisis na nangyayari sa kapaligiran.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care, karamihan sa mga nakakaranas ng depression at anxiety ay nahihirapan pa ring ibahagi ang kanilang mga nararamdaman dahil sa takot na mahusgahan ng lipunan.

Ipinaliwanag ng pari na ito’y dahil ang tingin pa rin ng lahat sa usapin ng mental health ay karaniwan lamang na problemang madaling matugunan.
“Itong mental health issues natin ay punung-puno ng stigma. Marami ang hindi out o kaya’y ayaw magsabi ng kanilang pangangailangan dahil may nakakabit na stigma,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization, tumaas ng 25 porsyento ang paglaganap ng depression at anxiety sa buong mundo sa unang taon pa lamang ng pandemya.
Ang pagiging mag-isa, takot na mahawaan ng virus, kalungkutan dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay, at ang kawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga dahilan ng lubusang pagkabalisa ng mga tao.

Hinikayat naman ni Fr. Cancino ang bawat isa na pakinggan at damayan ang mga humaharap sa mabibigat na pagsubok ng buhay nang sa gayon ay matulungang malinawan ang isipan at gumaan ang pakiramdam.

“Nawa lahat tayo sana ay magkaroon ng isang buhay na nakikinig. A listening life. Nakikinig hindi lang sa sarili pero pakinggan natin ang ating mga kapatid, mga kapanalig na may pinagdadaanan,” ayon sa pari.
Sinabi pa ng pari na ang simbahan ay palaging nakahanda at bukas upang pakinggan ang mga saloobin ng mga taong lubos na naghihirap dulot ng iba’t ibang isipin at pasanin sa buhay.

“Sa ating mga kapanalig na dumadaan sa isang mahirap na sitwasyon, karanasan ng buhay, ‘yung mga nade-depress, anxious, disappointed, kailangan ng kausap, ang ating simbahan po ay open. Makipag-ugnayan po kayo sa mga tao na nakikita n’yong makakatulong sa inyo,” saad ni Fr. Cancino.

Para sa mga nakakaranas ng mental health crisis, maaaring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa landline sa mga numerong 1553 o sa pamamagitan ng mobile sa 0917-899-8727 at 0966-351-4518 para sa Globe at TM subscribers, at 0908-639-2672 para naman sa mga Smart at TNT subscribers.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,028 total reads

 4,028 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,897 total reads

 27,897 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,457 total reads

 68,457 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,053 total reads

 95,053 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,319 total reads

 143,319 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,138 total reads

 164,138 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,071 total reads

 129,071 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top