185 total views

Mga Kapanalig, mahigit tatlumpu’t isang milyong Pilipino ang bumoto kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Kasabay ng mga panawagang magkaroon ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng iregularidad, unti-unti namang lumabalas na ang mga plano at susunod na mga hakbang ng bagong administrasyon.

Maraming nag-aabang na hamon kay President-elect Marcos, Jr. Nariyan ang 12 trilyon pisong utang ng bansa upang matugunan ang pandemya at mga epekto nito. Lumobo rin ang bilang ng mahihirap sa bansa. Tinatayang nasa 23.7% ng populasyon sa bansa o mahigit 26 milyong Pilipino ang mahirap. Nasa 6.4% o mahigit tatlong milyong Pilipino ang unemployed o walang trabaho. Kuwestiyon din, lalo na sa mga human rights groups, kung uusad pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao nitong nagdaang administrasyon, partikular na sa war on drugs ni Presidente Duterte.

Sa gitna ng mga ito, patuloy ang batuhan ng masasakit na salita sa social media ng mga tagasuporta ng mga nanalo at natalong kandidato. Umabot ito sa batuhan ng hindi magagandang salita at sa pangmamaliit sa mga taong iba ang sinusuportahang kandidato. May mga hindi makatanggap na ang anak ng diktador at pinatalsik ng EDSA People Power noong 1986 ay muling magbabalik sa kapangyarihan. Paano raw siya magiging mabuting lider kung nahaharap siya at ang kanyang pamilya sa iba’t ibang kaso? Noong kampanya, ni hindi siya sumipot sa ilang debate upang ipresenta ang kanyang mga plano. Todo-iwas pa siya sa mga tanong ng mga taga-media. Dahil sa mga ito, may ilang nagbantang hindi na sila lalahok sa pamamahala, at wala nang magiging pakialam sa mayoryang bumoto kay Ginoong Marcos.

Ngunit ang pakikilahok ng taumbayan ay mahalagang bahagi ng isang demokratikong sistema ng pamahahala. Kinikilala ito maging ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Sa araw ng halalan, ginagamit natin ang kanilang kapangyarihang pumili ng kanilang mga lider, ngunit hindi roon natatapos ang ating pakikibahagi sa demokrasya. Asahan dapat ng taumbayan sa kanilang mga inihalal ang pagganap nila sa kanilang mga tungkulin sa bayan. Naniniwala ang Simbahang upang tunay na paglingkuran ng pamahalaan ang taumbayan, kailangan ang pakikilahok natin sa pamamahala—mula sa mga barangay, munisipyo, at lungsod hanggang sa pambansang pamahalaan. Dahil dito, importanteng manatiling may alam at may pakialam ang taumbayan sa mga ginagawa ng pamahalaan.

Maaaring mabigat sa kalooban ng mga Pilipinong hindi bumoto sa mga nahalal na kandidato ang pakikilahok sa bagong administrasyon. Gayunpaman, higit itong kailangan sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng ating bayan. Lalong kailangan ang partisipasyon ng taumbayan upang masigurong magagamit nang wasto ang kaban ng bayan, matutugunan ang kahirapan at kawalan ng trabaho, at mapoprotektahan ang karapatan at kalayaan ng lahat. Ang pakikilahok sa pamamahala ay hindi rin nangangahulugang sasang-ayon tayo lagi sa gustong mangyari ng mga nasa poder. Isaisip din nating hindi salungat sa hangarin ng Diyos na itaguyod ang buhay at dignidad ng bawat isa ang tungkuling dapat ginagampanan at inaasahan natin mula sa mga nasa pamahalaan. Kaya naman kailangan ang pagiging mapagmatyag taumbayan sa pamahalaan—sinuman ang naluklok—upang maisakatuparan ang tungkulin ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, isang moral at espiritwal na tungkulin ang pakikilahok sa pamamahala. Katulad ng sinasabi sa Mga Gawa 5:29: “Sa Diyos kami dapat sumusunod, at hindi sa tao.” Sa kabila ng mga kabiguan at pagsasakitan sa nagdaang halalan, nawa’y mahanap natin ang lakas ng loob na isulong ang hangarin ng Diyos sa pamamagitan ng maayos na pamamahala. Patuloy tayong makilahok upang makamit natin ang pinapangarap nating makatao, makatarungan, at makatotohanang lipunan. Susi ang kritikal pakikilahok ng bawat isa sa atin sa pagpapanday ng lipunang ito, nanalo man o natalo ang kandidatong sinuportahan natin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,251 total views

 37,251 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 42,669 total views

 42,669 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 49,376 total views

 49,376 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 64,170 total views

 64,170 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 70,326 total views

 70,326 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,253 total views

 37,253 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 42,671 total views

 42,671 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 49,378 total views

 49,377 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 64,172 total views

 64,171 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 70,328 total views

 70,327 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,801 total views

 40,801 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,385 total views

 51,385 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,602 total views

 59,602 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,835 total views

 43,835 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,811 total views

 49,811 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,904 total views

 52,904 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,609 total views

 42,609 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,497 total views

 43,497 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,800 total views

 58,800 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,209 total views

 71,209 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top