Makiisa sa pagsulong ng bayan, paanyaya ng CFC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total views

Hinimok ng Couples for Christ (CFC) ang mamamayan na igalang at tanggapin ang mga kandidatong pinili ng mayorya ng mga Pilipino.

Hamon ng grupo sa mamamayan ang patuloy na pakikilakbay para sa pagsulong at pag-unlad ng lipunan bilang iisang bansa kasama ang mga bagong halal ng opisyal.

“Habang naghahanda ang bagong liderato na pamunuan ang ating bansa sa hinaharap, patuloy pa rin tayo na makilahok sa pagsusulong ng bayan,” bahagi ng pahayag ng CFC.

Ipinagpasalamat ng grupo ang sama-samang paglalakbay noong halalan sa gabay ng liwanag at panalangin ng Panginoon para magnilay at pumili ng naaayon sa pananampalataya at konsiyensya.

Ikinagalak ng CFC ang pagkahalal ng ilang kasapi sa iba’t ibang posisyon na maging katuwang sa pagsusulong ng kabutihan sa kristiyanong pamayanan.

“Nagpapasalamat tayo sa mga kapatid na nakilahok sa larangan ng pulitika. May ilan sa kanilang nanalo sa halalan at tayo ay nagagalak, dahil ngayon ay may natatangi silang papel na gagampanan para maisulong at maisabuhay ang lahat ng ating pinahahalagahan bilang Kristiyano,” ani ng grupo.

Pinasalamatan din ng CFC ang mga kabataang kasapi ng CFC Youth for Christ na nanguna sa 40 araw na pananalangin, pag-ayuno, pagluhod at pagsakripisyo para sa pambansa at lokal na halalan.

Hinikayat ng grupo ang sambayanan na magbuklod tungo sa pagbabago at paglago ng pamayanan at magtulungang itaguyod ang katotohanan.

“Ipagpapatuloy natin ang ating pagiging kapatid sa isa’t isa at ng lahat; dapat mahinto na ang maiinit na debate at nakakasakit na palitan ng salita sa social media sa halip ipahahayag natin ang katotohanan-ang Kanyang katotohanan – ng may pagmamahal,” giit ng CFC.

Ibabahagi din ng pontifical group ang CFC Pastoral Guide on the Use of Social Media na maging gabay sa mamamayan sa wastong pakikipag-ugnayan sa internet lalo’t sa Pilipinas naitala ang mahigit 70-milyong mamamayan na gumagamit ng social media ayon sa datos ng Data Reportal.

Ang CFC ay samahan ng mga mag-asawa na nagsimula sa Pilipinas noong 1981 at lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig kung saan taong 1996 kinilala ito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang national private association of lay faithful habang 2000 naman ng kilalanin ng Vatican na private international association of the lay faithful of pontifical right.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 71,827 total views

 71,827 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 115,435 total views

 115,435 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 198,203 total views

 198,203 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 209,916 total views

 209,916 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top