Karapatan ng bansa sa Scarborough shoal, panindigan ng pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Dapat igiit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang karapatan ng bansa sa Scarborough Shoal sa apat na araw nitong state visit sa naturang bansa.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, maituturing na pagwaksi sa karapatan ng Pilipinas sa Scarborough kung hindi ito igigiit ng Pangulo sa China.

Inihayag ni Bishop Santos na maliban sa pagpapalakas ng kalakalan ng dalawang bansa ay nararapat ring isulong ng Pangulo ang pagbibigay linaw na may kailangang papasukin ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal dahil ito ay karapatan ng mga Pilipino sa teritoryo na malinaw na pag – aari ng Pilipinas.

“Sa pagpunta niya sa China ito ay maganda ito’y pakikipag – usap at siyempre sa pakikipag – usap ito ay tungkol sa pangangalakal at pagpapalitan ng kaalaman at ng kalakal. Pero dapat nating tandaan, tanggapin at ipaglaban ang ating kasarinlan, ang ating kalupaan. Sa mga bagay na yun ay hindi na dapat dun sa negotiation bagkus ay implementation na ibinigay sa atin nang arbitration court na atin ang Scarborough Shoal na ipinaglalaban natin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Veritas Parol.

Samantala, aabot sa isang libong bigating mga negosyante mula sa Pilipinas at China ang inaasahang pupunta sa pinakahihintay na business forum kasama si Pangulong Duterte sa Beijing na gaganapin bukas.

Magugunitang una na ring inilabas ang desisyon ng arbitration court sa The Hague, Netherlands ang “unanimous award” na pumapabor sa Pilipinas na nagsasabing walang karapatang angkinin ng Tsina ang pinag – aagawang isla na nasa loob ng “exclusive economic zone” o (EEZ) ng Pilipinas.

Nauna na ring binanggit ng kanyang Kabanalan Francisco hindi dapat gamitin ng mga malalaking bansa ang kanilang kapangyarihan upang maliitin at sakupin ang mga lupain at pagmamay – ari ng mga maliit na bansa.

Lumabas sa survey ng Social Weather Station mula ika-24 hanggang ika-27 ng Setyembre 2016, 55-porsiyento ng mga Filipino ay walang tiwala sa China habang 11-percent lamang ang duda sa Estados Unidos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,361 total reads

 19,361 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,265 total reads

 106,265 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 153,004 total reads

 153,004 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,876 total reads

 200,876 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,912 total reads

 303,912 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 311,984 total reads

 311,984 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,403 total reads

 418,403 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top