“The essence of Pentecost is unity”, paalala ng Obispo kay BBM at mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 847 total views

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mamayani ang diwa ng katarungan at kalayaan sa bagong administrasyon.

Ito ang mensahe ni Baguio Bishop Victor Bendico ng CBCP – Episcopal Commission on Liturgy sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes o ang pagbaba ng Banal na Espiritu 50-araw makaraan ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Dalangin ng obispo na iwaksi ni President – elect Ferdinand Marcos Jr. ang anumang uri ng karahasan sa halip ay isulong ang tunay na pagkakaisa para sa kabutihan ng nakararaming Pilipino.

“With the new government administration, let us not put on a spirit of slavery. Let us be led by a spirit of freedom. We are free people in a free nation. In a free country, there can only be a free citizen – citizens who love their country and work hard for the common good,” mensahe ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Bendico ang pagkakahati-hati ng bansa sa nakalipas na halalan kung saan halos namayani sa lipunan ang hidwaan bunsod ng pagkakaiba ng sinusuportahang kandidato.

Kasabay ng pagtapos ng halalan hinimok ng opisyal ang mamamayan na magbuklod tungo sa paghilom ng anumang hindi pagkakaunawaan tulad ng mensahe ng Pentekostes na pagkakaisa sa kapayapaang hatid ng Espiritu Santo.

“Brothers and sisters in Christ, the essence of Pentecost is unity. There were images of winds and fire which broke down the barriers of fear, anxiety and worry among the disciples,” giit ni Bishop Bendico.

Umaasa ang obispo na magkaisa ang mga Pilipino sa pagtataguyod ng katarungan, kapayapaan at pagbubuklod ng buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 7,927 total views

 7,927 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 51,535 total views

 51,535 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 136,142 total views

 136,142 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 152,801 total views

 152,801 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top