Patawarin ang kapwa,hamon ng dakilang kapistahan ng Pentekostes-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 876 total reads

Inanyayahan ng pinunong pastol ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na hayaang manahan ang Espiritu Santo sa bawat isa para sa patuloy na pagmimisyon.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes kung saan hinamon ang bawat isang maggawad ng kapatawaran sa kapwa.

“Sa tulong ng Espiritu Santo, makakaya rin natin ito: kumilos para sa kapayapaan, maging tapat sa ating misyon at magpatawad sa maraming masamang karanasan sa kamay ng mga umusig at nagpahirap sa atin,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Sinabi ng cardinal na ang unang tatak at sangkap ng pamayanang pinakikilos ang Espiritu Santo ay kapayapaan na hatid ni Hesus sa Kanyang muling pagkabuhay na nagdudulot ng kaligayahan sa sangkatauhan.

Inihalimbawa ng arsobispo ang karanasan ng mga martir ng simbahan na patuloy ang magalak na pagpupuri sa Diyos sa kabila ng mga pang-uusig at paghihirap na naranasan dahil batid ang kapayapaang dala ng Panginoong muling nabuhay.

Pagbabahagi pa ni Cardinal Advincula ang ikalawang sangkap – ang pagmimisyon na higit ginampanan ng arkidiyosesis sa tulong ng Espiritu Santo lalo na noong panahon ng pandemya na labis ang hamong kinakaharap ng sangkatauhan.

“Sa simula ng pandemya, nagkaroon ng online retreat ang buong Archdiocese of Manila na may temang “Pentekostes: From crisis to renewal, from lockdown to mission.” Marami tayong hinarap na hamon sa hanapbuhay, pag-aaral. Napuno tayo ng takot at pangamba, tila inihanda tayo sa misyon natin. Hindi tayo makalabas dahil sa mga lockdown pero nakapaglakbay tayo sa ating kalooban,” ani Cardinal Advincula.

Isang mensaheng hatid ng Espiritu Santo sa sanlibutan ang pagpapatawad upang tuluyang manahan sa bawat puso ang Panginoon lalo na sa karanasan ng pandemya sa lipunan na nagdulot ng labis na pangamba at takot sa tao.

Hamon ng opisyal sa bawat isa na ihanda ang sarili sa pagbubukas ng puso para paglingkuran ang kapwa ayon sa nababatid ng Banal na Espiritu upang makapaghatid ng liwanag at pag-asa sa pamayanan.

“Hinihimok tayo ng Espiritu Santo na issayos ang ating pakikipag-uganayan sa Diyos at sa ating kapwa na madalas na nalalamatan ng kasalanan,” sinabi ng cardinal.

Ang Pentekostes ang pagbaba ng Banal na Espiritu 50 araw makalipas ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo upang maghatid ng kapayapaan sa buhay ng tao at sa buong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,918 total reads

 13,918 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,509 total reads

 95,509 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,958 total reads

 128,958 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,257 total reads

 164,257 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,324 total reads

 390,324 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top