Pagpapanatili ng ban sa open-pit mining sa South Cotabato, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Ikinagalak ng Alyansa Tigil Mina ang desisyon ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo laban sa pagbawi sa ban on open-pit mining sa lalawigan.

Ayon sa pahayag, binati ng ATM ang mamamayan ng South Cotabato, sa pangunguna ng mga magsasaka at ng Diyosesis ng Marbel sa kanilang paninindigan para sa tagumpay ng pakikipaglaban sa karapatan ng inang kalikasan.

“This is a victory of the people of South Cotabato and is the correct move of Gov. Tamayo in protecting the right of his constituents to a safe ecology and promoting the comfort and welfare of a majority of the affected communities,” ayon sa ATM.

Nito lamang Hunyo 3, 2022 ay isinawalang-bisa ni Gov. Tamayo ang ordinansa hinggil sa pag-amyenda sa Provincial Environment Code ng South Cotabato at ang pagbawi sa pagbabawal sa pagsasagawa ng open-pit mining sa lalawigan.

Ang desisyon ng gobernador ang nagbigay muli ng pag-asa sa mga mamamayan lalo na sa mga katutubo ng South Cotabato tungo sa kaligtasan ng mga likas na yaman at mga katutubong lupain.

Nangako naman ang ATM na patuloy nitong babantayan ang kilos ng sangguniang panlalawigan hinggil sa pagpapatupad ng mga batas na mangangalaga sa inang kalikasan laban sa pagkasira.

“We will take this matter seriously and join the vigilance of local communities in South Cotabato to continue lobbying and putting pressure on the Sanggunian to not override the veto,” saad ng ATM.

Samantala, kaisa rin ang grupo sa paggunita ngayong araw (Hunyo 5) sa World Environment Day, gayundin sa pagdiriwang ng simbahan sa Linggo ng Pentekostes.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang grupo kay Marbel Bishop Cerilo “Allan” Casicas sa pagiging huwaran upang ipagtanggol ang karapatan ng mga apektadong pamayanan at kalikasan laban sa mapanirang paraan ng pag-unlad.

Magugunitang umapela ng pananalangin at pag-aayuno si Bishop Casicas upang mabigyan ng kalinawan ng pag-iisip ang mga lokal na pinuno ng South Cotabato sa panganib ng pagmimina sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 30,099 total reads

 30,099 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 110,109 total reads

 110,109 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 204,335 total reads

 204,335 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 264,825 total reads

 264,825 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 277,236 total reads

 277,236 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,021 total reads

 71,021 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top