Mag-isip at makonsensya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 800 total reads

Ito ang panawagan ni Rodne Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines sa mamamayan ng San Fernando, Romblon laban sa pagbubukas ng minahan sa Sibuyan Island.

Ayon kay Galicha, convernor ng Aksyon Klima, kailangang pag-isipang mabuti ang maaaring kahinatnan ng bayan ng San Fernando partikular na ang mga barangay ng España at Taclobo sakaling matuloy ang operasyon ng pagmimina.

Nagbabala ang environmental advocate na huwag hayaang masilaw ang mga sarili sa mga pekeng pangakong dala ng pagmimina dahil ito rin ang magdudulot ng paghihirap sa mamamayan at kalikasan.

“España at Taclobo, tumayo kayo, huwag pasisilaw sa pangako at pera ng minahan. Huwag na silang hayaang makapagbabarena at makapagbutas para sa eksplorasyon,” ayon kay Galicha.

Iginiit ni Galicha na hindi totoong maghahatid ng pag-unlad at magandang buhay ang pagpapahintulot sa pagmimina sa lalawigan ng Romblon.

Hinimok rin ni Galicha ang lahat na maging matatag sa pagpapahayag ng mga saloobin upang ipagtanggol ang inang kalikasan laban sa pagpasok ng mga malalaking kumpanya na pinsala ang dulot sa kapaligiran at buhay ng tao.

“We get tired, emotional and depressed, but we never give up, never. To our last breath, to your last breath. You will fight for what you care, and care for what you love,” saad ni Galicha.

Ang binabalak na mining exploration sa Sibuyan Island ay popondohan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na pagmamay-ari ng Dynamo Atlantic Ltd.

Kilala ang Sibuyan Island sa taguring Galapagos of Asia dahil sa pananatili nitong nakahiwalay sa anumang bahagi ng Philippine Archipelago at nagsisilbing tahanan sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 16,672 total reads

 16,672 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 50,477 total reads

 50,477 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 91,036 total reads

 91,036 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 116,173 total reads

 116,173 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 164,440 total reads

 164,440 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 184,463 total reads

 184,463 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,980 total reads

 129,980 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top