Mga Simbahan, evacuation centers ng mga nasalanta ng Bagyong Lawin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total views

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan sa mga lokal na pamahalaan para sa assessment ng danyos na iniwan ng bagyong Lawin doon.

Ayon kay Social Action Center director Rev. Fr. Augustus Calubaquib, ito ay upang malaman nila ang bilang ng mga naapektuhan para na rin sa panawagan ng tulong.

Sinabi pa ng pari na sa initial assessment naman ng SAC, 70-80 porsiyento ng mga bahay ang nasira sa Tuguegarao City lamang.

Dagdag ni Fr. Calubaquib, nasa 1, 000 pamilya naman ang inilikas na ang ilan nanuluyan sa mga Simbahan na nagsilbing evacuation centers bago at sa kasagsagan ng bagyo subalit ngayon ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga bahay.

“Ang initial assessment ng SAC ng Tuguegarao City, 70-80 percent ng kabahayan natin ang damages sa City lang. Sa parish ko lang covering 16 barangay, may 1,000 pamilya ang lumikas pero ngayon nagsibalikan na sila sa kanilang mga bahay,” pahayag ni Fr. Calubaquib sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ng pari, maganda na ang panahon ngayon sa Tuguegarao at sumikat na rin ang araw.

Sa pananalasa ng Bagyong Lawin, walo ang nasawi habang mahigit isang daan at apat na libong indibidwal, o mahigit 20 libong pamilya ang naapektuhan mula sa 461 barangays sa bansa sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa mahigit 40 libo limang daang pamilya ang nasa 331 na evacuation centers.

Patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang ibat-ibang institusyon kabilang na ang Simbahang Katolika na handa ng tumulong sa mga nasalanta na may paunang tulong na pagbubukas ng mga simbahan bilang evacuation centers at pamamahagi ng relief items.

Si Lawin ang pang 12 bagyo na pinakamalakas ngayong taon na ayon naman sa mga taga Northern Luzon, ito ang pinakamalakas na naranasan nila sa kanilang buong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 50,372 total views

 50,372 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 73,524 total views

 73,524 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 143,638 total views

 143,638 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 218,252 total views

 218,252 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 294,635 total views

 294,635 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 145,926 total views

 145,926 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 310,975 total views

 310,975 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top