Caritas Manila, inilunsad ang HAPAG-ASA feeding program sa St. John Bosco Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,023 total reads

Inilunsad ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Damayan ang Nutrition and Feeding Program sa Saint John Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Ang programa ng social arm ng Archdiocese of Manila na mas kilala bilang Hapag-Asa Feeding Program ay naglalayong matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga batang nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon.

Katuwang ng Caritas Manila ang Rotary Club of Makati (RCM) na naglaan ng P500,000 pondo bilang pansuporta sa programa ng institusyon sa loob ng anim na buwan para sa higit-150 mga bata na saklaw ng parokya.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual, mahalagang mabigyang-pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa bansa lalo na sa mga kabataan nang sa gayon ay makatulong sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan at isipan.

“We have to save the child as soon as possible at ito nga mayroon tayong six months program na Hapag-Asa para maligtas ang bata at mabigyan ng mas normal na kinabukasan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nangako naman si Rotary Club of Makati President Luis Angel Aseoche na ang organisasyon ay patuloy na tutulong at susuporta sa mga adhikain at programa ng Caritas Manila.

Pagbabahagi ni Aseoche na bagamat magtatapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng RCM sa Hunyo 30 ay ipagpapatuloy at paiigtingin naman ng susunod na pamunuan ang pagpapabuti sa nutrisyon at pagtugon sa kagutuman ng mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad.

“Tamang-tama sa transitioning from my term to the next term, we have as beneficiaries children of school age because they need to have good nutrition for their brains to develop and for them to have a fighting chance to succeed in life and to improve their economic conditions,” ayon kay Aseoche.

Nagpapasalamat naman si Fr. Gaudencio Carandang, Jr., kura paroko ng St. John Bosco Parish-Tondo sa inisyatibo ng Caritas Manila dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa pagtugon sa kagutuman at malnutrisyon ng mga bata.

Tinatayang aabot na sa higit-5,000 ang benepisyaryo ng Hapag-Asa Feeding Program ng Caritas Manila.

Batay sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF noong 2021, nasa 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 16,892 total reads

 16,892 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 115,724 total reads

 115,724 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 159,994 total reads

 159,994 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 183,106 total reads

 183,106 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 257,268 total reads

 257,268 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,636 total reads

 144,636 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top