Pahalagahan ang kasarinlan ng bansa na bunga nang pagpapagal ng mga bayaning Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total views

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy ipaglaban ang kalayaan para sa kabutihan ng nakararami.

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Ayon sa obispo mahalagang alalahanin ng bawat Pilipino ang kasarinlang tinatamasa ng bansa dahil sa pakikipaglaban ng mga ninuno.

“Huwag natin i-surrender ang Kalayaan natin na mag-isip, na magsalita, na maniwala at ng sama-samang pagkilos para sa kabutihan ng lahat. Ipasalamat, ipagdasal at panindigan natin ang ating kasarinlan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Tinukoy ng opisyal ang pakikipaglaban noon ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano at Hapones upang matamo ang kalayaan ng Pilipinas sa pambibihag ng mga dayuhan.

Dapat ding alalahanin ayon kay Bishop Pabillo ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa katarungan at kapayapaan laban sa Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan laganap ang karahasan at pang-uusig ng militar at pulis sa kapwa Pilipino.

Ayon sa tala ng Human Rights Victims’ Claims Board nasa 11-libong Pilipino ang biktima ng human rights violations noong martial law sa pagitan ng 1972 hanggang 1986.

Panawagan ni Bishop Pabillo sa mamamayan na ingatan ang kalayaang tinamasa lalo’t marami ang nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kapayapaan para sa susunod na henerasyon.

“Magpasalamat tayo sa kanila lalo na sa mga nagbuhos ng buhay upang tayo ay maging malaya. Ingatan din natin ang kalayaang ito upang hindi ito mawala sa atin,” ani Bishop Pabillo.

Tema ng 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan, ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas (Rise Towards the Challenge of a New Beginning)” na layong bigyang diin ang pagbubuklod ng mga Pilipino para mapagtagumpayan ang bawat hamong kinakaharap sa kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 25,759 total views

 25,759 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 55,982 total views

 55,982 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 82,633 total views

 82,633 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 177,606 total views

 177,606 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 197,121 total views

 197,121 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top