DSAC ng Simbahang Katolika, nagpahayag ng suporta sa laban ng Diocese of Marbel sa Tampakan mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Nagkaisa ang lahat ng delegado mula sa 71 diyosesis na dumalo sa 40th National Social Action General Assembly sa kampanya ng Diyosesis ng Marbel laban sa Tampakan Mining.

Ayon sa pahayag ng NASSA/Caritas Philippines sa pangunguna ng National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nabanggit dito ang mga pagsubok na hinaharap ng simbahan at mamamayan upang tuluyang mapigilan ang mga mapaminsalang proyektong lubos na nakakaapekto sa kalikasan at buhay ng mga tao.

“Following the challenges of the encyclical Laudato Si’ and the 2022 CBCP Pastoral Statement on Ecologym, we firmly believe that local actions matter greatly in the fights against climate emergency and planetary crisis,” ayon sa social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Nakikiusap ang simbahan sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato na mas sikapin pang tiyakin at bantayan ang kasagraduhan ng mga likas na yaman ng Tampakan, gayundin ang paggalang sa kalooban at panawagan ng mga apektadong mamamayan.

Ito’y sa halip na baguhin ang provincial environment code na magbibigay ng pahintulot para sa malayang pagpasok ng malalaking kumpanya na nagsasagawa ng pagmimina.

“We encourage and join the people of South Cotabato in demanding for public accountability and in carrying out regular scrutiny of government transactions related in particular to environmental actions,” pahayag ng Caritas Philippines.

Pinuri naman ng Caritas Philippines ang katapangan at taos-pusong paninindigan ng Diyosesis ng Marbel sa pangunguna ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas at social action director Fr. Jerome Millan, para sa pangangalaga sa Tampakan maging ang pagtiyak sa kaligtasan ng B’laan at iba pang katutubong pamayanan ng South Cotabato.

Dalangin ng social arm ng CBCP na mapakinggan ng pamahalaan ang panawagan ng taumbayan na gawin nang ganap na batas ang moratoryo laban sa pagmimina sa bansa at panagutin ang mga sangkot sa mapaminsalang gawain.

Nangako rin ang nasa 243 delegado ng NASAGA na ipagpapatuloy ang pagbuo at pagtataguyod sa mga programa ng simbahan tungo sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.

“We, the members of the assembly from 71 dioceses solemnly adhere to continue building on our respective ecological advocacies and programs, to collectively contribute to the actions of the Catholic Church to protect, preserve, and conserve the natural resources and ecosystems of the country,” ayon sa pahayag.

Ginawa ng Caritas Philippines ang pahayag matapos na pagtuunan ng mga diocesan social action directors ang usapin hinggil sa pangangalaga sa kalikasan partikular na ang suliraning hinaharap ng South Cotabato.

Tema ng ginanap na 40th NASAGA ang “Leave No One Behind” na pangako ng social arm ng simbahan tungo sa pagkakaroon ng maayos na lipunan para sa ikabubuti ng nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,983 total reads

 3,983 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,141 total reads

 42,141 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,412 total reads

 268,412 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,877 total reads

 161,877 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,693 total reads

 255,693 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,377 total reads

 150,377 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top