Kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan, sandata ng mamamayan sa pinsala ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,119 total views

Pangangalaga ng kalikasan ang isa sa mga dapat maging sandata ng mamamayan upang makaiwas sa pinsala ng kalamidad.

Ito ang paniniwala ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona kaugnay sa kanilang mga ginagawang kahandaan sa Arkidiyosesis ng Caceres na madalas na nakakaranas ng mga mapaminsalang bagyo at iba pang banta sa kalikasan.

Ayon kay Archbishop Tirona, bahagi ng kanilang disaster management and preparedness program ang pagpapataas sa kamalayan ng publiko kaugnay sa pangangalaga ng sanilikha.

Iginiit ng Arsobispo na ang suliranin sa kalamidad ay dulot din ng kapabayaan sa kalikasan na dapat maging parte ng pagpapalaganap ng edukasyon sa kahandaan sa kalamidad.

Tiniyak ni Archbishop Tirona na hindi kakaligtaan ng Simbahang Katolika ang pagtulong at pagdamay sa mga nangangailangan lalo na sa mga naapektuhan ng bagyo at iba pang banta ng kalamidad.

“Yan ang pinaka sabihin natin na bilang ng aming Social Action ‘yun Disaster Management and [preparedness] madalas kami may bagyo kaya ang aming SAC meron na siyang talagang structure para maghanda sa sakuna either sa pagtulong at sa early recovery higit sa lahat yun awareness ng mga tao na mapangalagaan ang kalikasan malaking bagay yan kasama sa pag-prepare namin sa disaster equally we want to emphasize the importance of mother nature, the gift of creation,” pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radyo Veritas 846.

Sa katatapos lamang na 40th National Social Action General Assembly 2022 na inorganisa ng Caritas Philippines, bahagi sa mga tinalakay ng mga kinatawan ng bawat Diyosesis ang mga programa kaugnay sa Disaster Response at kung paano pa ito mas mapapalago ng bawat rehiyon sa bansa.

Magugunitang batay sa pag-aaral, tinatayang nasa 20 bagyo kada taon ang pumapasok sa Pilipinas maliban pa sa banta ng mga volcanic eruption at paglindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 27,995 total views

 27,995 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 201,929 total views

 201,929 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 179,562 total views

 179,562 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 242,667 total views

 242,667 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,395 total views

 260,395 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 80,602 total views

 80,602 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top