Diocese of Romblon, magpapatayo ng 1,000 bahay sa mga biktima ng sakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Layunin ng Diyosesis ng Romblon na makapagpatayo ng 1000 bahay para sa mga mahihirap na pamilya na higit na apektado ng krisis at iba’t ibang sakuna sa lalawigan ng Romblon.

Ayon kay Romblon Diocesan Social Action Director Father Ric Magro, layunin ng proyekto na bigyan ng maayos at matibay na bahay ang mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga nakatira sa tabing-dagat na mas malapit sa panganib kapag may sakuna.

“Nakikita kasi noon na ang nililipat kaagad natin ay ‘yung mga nakatira sa tabing dagat, ‘yung mga pamilyang mga barong-barong lamang ang bahay. Kaya’t sa ngayon na wala pang bagyo, hinahanapan kaagad natin ng paraan sila kung paano natin sila matutulungan na hindi na aabutin pa ng bagyo,” pahayag ni Fr. Magro sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Magro na binabalak ng diyosesis na makapagbahagi ng tig-50 bahay sa 17 bayan ng Romblon.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong bahagi na ang proyekto ng diyosesis kung saan sa una at ikalawang bahagi ay umabot na sa 100 mga bahay ang naipatayo at naipamahagi sa mga residente ng Tablas at Romblon Island.

“Sa ngayon ay patuloy tayong nagpapagawa again sa Tablas Island ng another 50 houses. at ang target natin ay makapagbigay tayo sa lahat ng munisipyo kahit tig-50 houses muna,” ayon kay Fr. Magro.

Nagpapasalamat naman ang Diyosesis ng Romblon sa NASSA/Caritas Philippines at Couples for Christ – Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP) sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa mga adhikain ng diyosesis na bigyan ng matibay na tahanan ang mga mahihirap na pamayanan.

Magugunita noong 2015 nang labis na napinsala ng Bagyong Nona ang diyosesis kung saan umabot sa 4,000 pamilya ang nawalan ng mga tahanan at kabuhayan.

Tinatayang aabot sa walo hanggang 12 bagyo ang dumadaan sa Romblon sa loob ng isang taon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,745 total reads

 2,745 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,578 total reads

 54,578 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,944 total reads

 139,944 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,680 total reads

 186,680 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,552 total reads

 234,552 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,907 total reads

 335,907 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,836 total reads

 169,836 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top