Christian formation, palalawakin pa ng Opus Dei Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

Tiniyak ng Opus Dei Philippines ang patuloy na pagpapalawak ng kanilang gawain sa pagpayabong ng pananampalatayang Kristiyano.

Ayon kay Opus Dei Regional Vicar Monsignor Carlos Estrada, pangunahing gawain ng grupo ang paghuhubog sa mananampalataya upang higit na maunawaan ang pagiging Kristiyano.

“The main task of Opus Dei is to give formation, Christian formation and all of this in different aspects; to impart the christian message para sa ganun ang ating pananampalataya at ang ating pananalig ay makikita sa pangkaraniwang gawain,” pahayag ni Msgr. Estrada sa panayam ng Radio Veritas.

Tinuran ng pari ang ninanais ni San Jose Maria Escriva, tagapagtatag ng Personal Prelature of Opus Dei na magiging banal ang lahat anuman ang kalagayan nito sa lipunan.

Naniniwala ang santo na bawat isa ay may kakayahang mamuhay sa kabanalan sa pamamagitan ng pang-araw-araw na gawain sa kani-kanilang larangan.

Batid ni Msgr. Estrada ang kahinaan ng tao subalit iginiit na bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na tupdin ang kalooban ng Diyos.

“By carrying out your duties well for the love of God through the life of prayer and the sacraments one can achieve holiness here in this world,” ani Msgr. Estrada.

Sa Misang ginanap sa Manila Cathedral nitong June 27 para sa kapistahan ni St. Jose Maria Escriva ikigalak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang biyaya ng pagmimisyon ng Opus Dei na isinasabuhay ang mga halimbawa ng santo.

“We come with hearts filled with gratitude and joy this evening to celebrate the memory and the teaching of this great saint who has shown us a way of sanctification in the modern world,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Pinasalamatan din ng nuncio ang Opus Dei na nagsusumikap palaganapin ang kawanggawa at pagmimisyon sa iba’t ibang dako ng daigdig upang abutin lalo na ang mahihirap sa lipunan.

Ayon sa datos ng Opus Dei Philippines nasa 3, 000 ang mga kasapi nito buhat ng magsimula ang apostolic work sa Pilipinas noong 1964.
Binigyang diin naman ni Msgr. Estrada na bukas para sa lahat ng mananampalataya ang iba’t ibang programa ng institusyon.

“Anybody who wishes to enrich their spiritual life are most welcome in all of this different activities sa iba’t ibang mga centers ng Opus Dei mayroong mga spiritual activities to enhance spiritual life,” giit ni Msgr. Estrada.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 7,259 total reads

 7,259 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 33,142 total reads

 33,142 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 73,701 total reads

 73,701 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 100,049 total reads

 100,049 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 148,316 total reads

 148,316 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 168,915 total reads

 168,915 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top