Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 896 total reads

Homiliya para sa Ika-14 na Linggo ng Karaniwang Panahon, ika-3 ng Hulyo, Luk. 10:1-12, 17-20

Para sa reflection na ito, ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon ay ang sinabi ni San Pablo sa ating second reading. Sabi niya, “Nakatatak sa aking katawan ang mga sugat ni Hesus.” Ang salitang ginamit niya sa Greek ay STIGMATA, plural ng STIGMA, na ang ibig sabihin ay marka ng mga sugat ni Hesus. Pero hindi literal na sugat na katulad ng kay Kristo ang tinutukoy ni San Pablo. Ang tinutukoy niya ay ang maraming mga pagsubok na pinagdaanan niya dahil sa pagiging apostol, mga karanasan na nag-iwan din ng mga marka sa pagkatao niya. (2 Cor 11:23-27)

Ganito para kay San Pablo ang ibig sabihin ng maging alagad: ang makibahagi sa buhay at misyon ni Kristo, gayundin sa kanyang pagdurusa, kamatayan at pagkabuhay. Kaya nga nasabi niya sa mga taga-Galacia, “Ang buhay ko ay hindi na akin. Ito’y kay Kristo na nabubuhay sa akin.” (Gal 2:20)

Madalas kong marinig sa mga evangelical preachers ang tanong “Have you accepted Jesus as your personal Lord and Savior?” Magandang tanong, pero sa tingin ko hindi sapat para ilarawan ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano. Baka kasi isipin natin na ang pagiging disipulo ay pagtanggap lang kay Kristo bilang bahagi ng buhay natin. Baligtad. Hindi siya ang gagawin nating bahagi ng buhay natin; tayo ang ibig niyang gawing bahagi ng buhay at misyon niya. Ang maging Kristiyano ay maging bahagi ng katawan ni Kristo, upang maging KINATAWAN NI KRISTO sa daigdig.

Sa ebanghelyo, ayon kay San Lukas, maraming iba pang mga bayan na ibig sanang dalawin ni Hesus ngunit hindi niya magawa. Kaya ang ginawa niya, imbes na siya mismo ang pumunta, nagsugo siya ng mga alagad para dalawin ang mga bayang iyon, bilang kanyang mga “KINATAWAN”. Sa madaling salita, para bang pinadami niya ang sarili niya sa kanyang mga apostol.

Ano ang mga palatandaan na ang isang alagad ay tunay na kumakatawan kay Kristo? Dalawang tanda ang binabanggit ng ebanghelyo: una, kapayapaan. Pangalawa, kapangyarihan laban sa masasamang espiritu.

Ang sugo ay tagapaghatid ng kapayapaan. Kaya ito ang unang bati ng kinatawan—ang maghatid ng kapayapaan sa ngalan ng nagsugo. Kaya din siguro “Tagapag-ani” o “manggagawa sa anihan” ang tawag ni Hesus sa kanyang mga sugo. Ano ang aanihin kung walang nagtanim? Magandang paalala ito para sa ating lahat. Ang Diyos mismo ang pangunahing tagahasik o tagapagtanim. Nakikitrabaho lang tayo sa kanya. Baka kasi isipin natin na gawain o trabaho natin ito na para bang lahat nakasalalay na sa atin.

Kahit si Pope Francis sinasabi niya ito sa mga nagtatanong kung paano niya nakakayanang gawin ang napakalaking responsibilidad na pamunuan ang Simbahang Katolika na may 1 Billion na miyembro. Ang sagot niya ay, “Kaya mahimbing ang tulog ko at payapa ang loob ko dahil lagi kong ipinaaalala sa sarili ko na hindi ko ito trabaho, trabaho ng Diyos. Nakikitrabaho lang ako sa kanya.”

Ang alagad ay isinusugo upang maghatid ng kapayapaan ni Kristo. Upang manatili siya bilang alagad ng kapayapaan, mahalaga na manatili siyang malaya sa mga materyal na bagay, tulad ng salapi, tirahan, ari-arian, at pati na sa mga mahal sa buhay. Dapat handa siyang manatili kung siya’y tinatanggap at handa rin siyang umalis kapag hindi siya tinatanggap. Hindi niya dapat hahayaang kumapit sa kanya ang mga sama ng loob na parang alikabok.

Ang isa pang tanda na ang sugo ay tunay na kumakatawan kay Kristo ay ang kapangyarihan laban sa masasamang espiritu. Ito ang ibig sabihin ni San Lukas sa pagtukoy niya sa mga ulupong at alakdan. Parehong makamandag ang mga hayop na ito. Kaya nakalalason o nakamamatay ang kagat nila. Parang ganoon din ang paraan ng paglusob ni Satanas. Sinisikap lasunin ng kanyang kamandag ang ating kaluluwa. Sa Markos 16,18 nang isugo ng Panginoon ang mga alagad, sinabihan sila na sila’y pagkakalooban ng Panginoong muling nabuhay ng kapangyarihan na “humawak ng ulupong o uminom ng lason nang hindi naaano.”

Paalala, huwag gagayahin ito sa bahay dahil hindi rin literal ang kahulugan nito. Binabalaan lang ni Hesus ang mga sugo niya na mahalagang matuto silang makitungo, hindi lang sa mababait, kund pati na rin sa mga ugaling parang traidor na ulupong. At ang lason na tinutukoy ay mga kasinungalingan, insulto at paninirang puri. Basta hindi hahayaan ng sugo na pumasok ito sa kanyang sistema, hindi rin siya maaano.

Huling paalala sa sugo—hindi sariling ngalan kundi ngalan ni Kristo ang dapat dalhin niya. Bakit? Dahil bukod-tanging kay Kristo natatakot ang dimonyo. Walang ibang hangad ang diyablo kundi ang ilihis ang sugo sa kanyang misyon. Mahusay siyang mang-udyok sa tao na mahumaling sa sarili at maghangad na dakilain ang sarili at makalimutan na siya’y kinatawan, hindi kapalit. Walang dapat ikagalak ang isang sugo kundi ang masulat sa langit ang kanyang ngalan.

Kapayapaan at kapangyarihan laban sa masamang Espiritu: ito ang dala ng sinumang tunay na kumakatawan kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 38,246 total reads

 38,246 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 77,803 total reads

 77,803 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 184,682 total reads

 184,682 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 229,346 total reads

 229,346 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 249,589 total reads

 249,589 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE MOST RADICAL TEACHING OF JESUS

 12,622 total reads

 12,622 total reads “Love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you.” (Lk 6:27–28)

Read More »

FLOODS AND THE DREADED LEPTOSPIROSIS

 12,624 total reads

 12,624 total reads I cannot think of leptospirosis merely as a statistic. Whenever I hear about another case, I remember Dion Angelo De la Rosa, one

Read More »
Scroll to Top