Parokya, pinaka-ligtas na lugar sa drug surrenderers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total views

Umapela ang Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry sa mga mananampalataya na suportahan ang programa ng Simbahang Katolika na “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” para sa mga drug surrenderers na nais magbagong-buhay.

Ayon kay Sr. Zeny Cabrera, coordinator ng Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry, kailangan ng mga drug dependent maging ng kani-kanilang pamilya na may masandalan sa kanilang pagbabago na siyang layunin ng Simbahan.

“Sa kaisipan at damdamin, maaalala natin ang araw ay sisikat lalo na sa ating madilim at magulong mundo, ang SANLAKBAY ay paglalakbay ng isang bayan ng Diyos na maaring kinatawan ng parokya, isang komunidad na maglalakbay patungo sa Diyos ay ang pinahahalagahan dito ay ang bawat tao, pinapalakas ang kanyang buhay kay Kristo, ginagabayan ng Espiritu Santo kasama ng Inang Birheng Maria, yan po ang aming pagnanasa sa programang ito. Ito ay alay ng Simbahan para sa ating bayan bilang tugon sa mga problemang ating kinakaharap ngayon sa kalagayan ng ating mga kapatid na lulong sa droga,” pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ng madre na nagkaroon na sila ng general orientation sa mga pari at volunteer, maging sa partner agencies (PNP, PDEA, LGUs, DILG) hinggil sa tamang pagtrato sa mga surrenderers.

“Nagkaroon kami ng several meetings na nagawa na at ito ay may general orientation yung mga pari at napili nilang volunteers na magbibigay ng kanilang panahon ay mabigyan natin ng preparasyon para dito noong October 15 at 20, inanyayahan din ang mga partner agencies natin mula sa LGUs, PDEA, PNP ito ay tulong tulong,” ayon pa sa madre.

Kaugnay nito, inihayag ni Sr. Cabrera na ang parokya ang pinakaligtas na lugar sa mga drug addict na nais magbago kaya’t ang lahat ng parokya ay inaanyayahan din na maging bukas ang kanilang pintuan.

Inihalimbawa ng madre ang San Roque de Manila Parish sa pamumuno ni Fr. Tony Navarrete na tumanggap na ng may 40 drug surrenderers na sumasailalim sa seminar tungo sa pagbabago sa pakikipagtulungan na rin ng mga barangay na sakop nito.

“Sa bawat parokya ay mayroon tututok sa kanila, ito ang tugon ng Simbahan kaya mismong ang ating kardinal ang nagpasimuno para sa launching ng Sanlakbay para sa pagbabagong buhay na alay sa ating mamamayan, nakita namin na ang isang magandang lugar at komunidad o grupo na tututok dito para magkaroon ng assurance na itong mga sumuko ay hindi sila matatakot, ang pinakamaganda ang safe ground ay ang parokya, ang barangay at parokya ay magkakasama, gaya ng ating pilot parish sa San Roque ni Fr. Tony Navarrete, nagsisiumula na ito tumanggap na sila ng 35-40 surrenderers, sila ay mga kalakbay. Nagmamalasakit ang parokya at sa pakikipagtukungan ng 4 na barangay,” ayon pa sa madre.

Sa record ng Philippine National Police (PNP), nasa higit 730,000 na ang drug surrenderers sa bansa simula nang manungkulan ang administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 63,993 total views

 63,993 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 87,145 total views

 87,145 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 157,259 total views

 157,259 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 231,873 total views

 231,873 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 307,366 total views

 307,366 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 146,588 total views

 146,588 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 311,430 total views

 311,430 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top