Madalas na pagpapalit ng celphones, nagdudulot ng pinsala sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 955 total reads

Hinimok ng Philippine Misereor Partnership Incorporated (PMPI) ang publiko na isabuhay ang “sapat-lifestyle”.

Ayon kay Mel Asia-program officer ng Anti-Mining Campaign ng PMPI, mahalagang baguhin ang mga nakasanayang gawain lalo na kung nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan.

Inihalimbawa ni Asia ang pagbili sa mga mobile phone ngunit nagtataglay ng maraming minerals tulad ng gold, copper, at silver na nagmumula sa pagmimina sa kabundukan.

“Kailangan nating tingnan kung kailangan ba talagang panay tayo palit nang palit ng bagong unit ng mobile phones. Kasi sa study namin, nakita namin na ang mga cellphone pala ay maraming minerals na makukuha sa loob ng isang unit pa lang,” ayon kay Asia sa panayam ng Radio Veritas.

Iminumungkahi naman ng PMPI sa mobile phone companies na i-recycle na lamang ang mga lumang cellphones upang maiwasan din ang patuloy na pagmimina sa mga bundok.

Maituturing na maliit na piraso lamang ang mga mineral na makikita sa isang unit ng cellphone ngunit nagdudulot ito sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina.

“Kailangan nating makaroon ng change ng perspective na gumagana pa naman ang ating mobile phones so hindi natin kailangang mag-upgrade kasi ito ang uso,” pahayag ni Asia.

Batay sa tala, tinatayang nasa 3.5 bilyong katao o halos kalahati ng populasyon ng mundo ang gumagamit ng cellphone at patuloy pa itong dumarami kada araw.

Napag-alaman din sa pagsusuri na ang isang pangkaraniwang indibidwal ay madalas na nagpapalit ng cellphone kada dalawang taon nang hindi nireresiklo ang lumang unit na nauuwi sa pagkakaroon ng mga nakakalasong basura at pagsasayang ng kagamitan.

Sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco na gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mamamayan na may paggalang sa kapakanan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 17,315 total reads

 17,315 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 98,246 total reads

 98,246 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 192,472 total reads

 192,472 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 252,961 total reads

 252,961 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 265,969 total reads

 265,969 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,444 total reads

 70,444 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top