Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo, magkatuwang sa pagpapaaral ng mahihirap na estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,208 total reads

Magkatuwang ang Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna para matulungan ang mga mahihirap na kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa panayam ng Programang Caritas in Action kay Bro. Greg Mendez ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo, malaki ang naitulong sa kanila ng Pondo ng Pinoy para masuportahan ang mga kabataan na mula sa mahihirap na pamilya na matupad ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

Nagsimula aniya ang inisyatibong ito ng Diyosesis mahigit 10 taon na ang nakakaraan sa bayan ng Liliw, Laguna kung saan mula sa 32 scholars ay umabot na ito sa halos 100 mag-aaral bago pa dumating ang pandemya.

“Kung tawagin natin ito ay ‘Batang Patio’ ito yung pagbibigay ng educational assistance sa mga bata kung saan may puhunan na binigay ang Pondo ng Pinoy, nagbukas kami ng Canteen at ang Canteen na ito ay nandoon sa Parochial School sa Liliw,[San Sebastian Parish] at mula doon nagsimula ang scholar natin sa 32 na mga bata. bahagi ng programa ang pagkakaroon ng Canteen kung saan ang kinikita doon ay layuning mapadami ang scholars mula sa 32 na bata naging 68 at naging 96 at patuloy pang nadagdagdagan,” pahayag ni Bro. Mendez sa segment ng Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action.

Aminado si Bro. Mendez na naka-apekto sa kanilang proyekto ang pagtigil ng face-to-face classes dahil sa epekto ng pandemya bagamat umaasa silang muling mapalakas ang programa sa pagbubukas ng klase.

“Noong nagkaroon ng pandemya naapektuhan ang canteen kasi nagsara ang eskwelahan kaya nung pandemya natigil ito hanggang ngayon walang school walang canteen hindi pa naipagpapatuloy pa.”

Ang mga kabataan ay mula sa mga pamilya na walang regular na kita at maituturing na napapabilang sa poorest among the poor na sektor.

“Yun naging criteria namin una dapat sila ay galing sa indigent families, ito yun mga low income families, mga magulang na hindi regular ang kita, mga ulila o wala ng magulang at sila ay nakikitira lang sa mga kamag anak. Madami dito mga nagsasaka, mga nasa construction ang magulang,” dagdag pa ni Bro. Mendez.

Nagpapasalamat ang Diyosesis sa suporta ng Pondo ng Pinoy na sa pamamagitan ng mga bente singko sentimos ay marami silang mga natutulungang kabataan.

Batay sa datos ng US Agency for International Development noong taong 2021, tumaas sa 25.2 percent ang bilang ng mga out of school youth sa Pilipinas dahil na rin sa pandemya dulot ng covid19.

Patuloy na sinisikap ng Simbahang Katolika na gumawa ng mga programa na makakatulong sa kagusuthan ng mga mahihirap na kabataan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang educational assistance program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,421 total reads

 82,421 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,747 total reads

 116,747 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,047 total reads

 152,047 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,317 total reads

 378,317 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,324 total reads

 267,324 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,555 total reads

 111,555 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top