Tunggalian sa pagitan ng DENR at economic managers ni PBBM, inaasahan ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total views

Inaasahan ng Alyansa Tigil Mina na magkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources at economic group ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito ang pahayag ni ATM National Coordinator Jaybee Garganera sa pagiging nominado ni Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang kalihim ng DENR ng Marcos Jr. Administration.

Ayon kay Garganera, inaasahan ng grupo na gagamitin ni Loyzaga ang kanyang kaalaman at kakayahan sa larangan ng agham upang mapabuti at mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa.

“The lack of a clear program of President Bongbong Marcos, we think she [Loyzaga] has a serious challenge ahead of her. Pero optimistic kami that with her science background, she brings in a fresh mandate dito sa DENR ng science-based policy making. Doon kami looking forward,” ayon kay Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Pinagtutuunan ng Marcos Jr. Administration ang industriya ng pagmimina na tinitingnang makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa mga nagdaang krisis.

Gayunman, matinding pinsala, panganib at paghihirap naman ang maidudulot nito sa kalikasan at apektadong pamayanan.

Kaya inaasahan ng ATM na sa pagiging DENR Secretary ni Loyzaga ay mababawasan at mapipigilan ang pagpasok ng industriya ng pagmimina sa bansa.

“Ang tingin ko kung sino ‘yung mga ilalagay niyang Undersecretaries to be her senior management, that will determine kung saang direction talaga niya dadalhin ang DENR. So we expect less mining kung siya nga ang maaappoint na secretary ng DENR,” ayon

Si Loyzaga ay naging chairperson ng International Advisory Board ng Manila Observatory kung saan kanyang isinulong ang scientific research tungkol sa climate and disaster resilience.

Naglingkod din ito bilang technical adviser ng ­Philippine Disaster Resilience Foundation at bahagi ng Senior Advisory Board ngayon ng Armed Forces of the Philippines Command at General Staff College.

Nananatili pa sa ngayong nominado si Loyzaga bilang DENR Secretary hanggang sa makumpleto nito ang mga kinakailangang dokumento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 20,697 total views

 20,697 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 50,920 total views

 50,920 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 77,571 total views

 77,571 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 172,544 total views

 172,544 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 192,428 total views

 192,428 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top