Simbahan, tiniyak ang pag-agapay sa ‘agri-workers’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Tiniyak ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagpapalawig ng mga hakbang ng simbahang katolika upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagtalakay ng mga suliranin ng mga magsasaka at mangingisda sa ginanap na National Synodal Consultation sa Carmelite Missionaries Center for Spirituality na dinaluhan ng kalipunan ng mga obispo.

“Ako ay nakikiisa sa ating mangingisda at magsasaka sa hinaharap nating mga krisis ngayon lalung lalu na sa kakulangan ng mga pagkain. Ito po ay sanhi ng maraming mga factors, mga bagay kaya kailangan po ng ating pagtutulungan, kailangan natin ng tulong-tulong tayo,” ayon sa pahayag ni Bishop Mesiona.

Sa pagtitipon ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa na ipahayag sa mga obispo ng Pilipinas ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

Tulad ng mababang bilihan ng palay na umaabot lamang sa P14-P20 habang labis naman ang pagtaas ng presyo ng abono na nagkakahalaga ng P800-P2,000 bawat sako.

Nalulugi rin ang mga magsasaka dahil sa talamak na agricultural smuggling na umaabot sa P2M kada araw at ang pinsala ng Avian Influenza sa mga alagang hayop.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan tuon ang pangangailangan ng mga mangingisda at magsasaka ng Pilipinas upang matiyak na may pagkaing mapagkukunan ang mga Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,539 total reads

 77,539 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,241 total reads

 112,241 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,541 total reads

 147,541 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,810 total reads

 373,810 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,013 total reads

 263,013 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top