Donation drive para sa mga manggagawa at estudyante, ilulunsad ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,048 total views

Ilulunsad ng Church People – Workers Solidarity (CWS) ang pagtulong sa mga manggagawa at kanilang mga sinusuportahang estudyante.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng CWS, isasagawa ang donation drive para sa mga anak o pinapaaral ng mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Paanyaya ng Obispo na sa 500-pisong donasyon kada pamilya ay ihahandog ng CWS sa mga benipisyaryong estudyante ang mga gamit sa paaralan, school uniforms, bags at sapatos.

“Dahil nga sa naapektuhan yung income ng ating mga labor sector may threat, malaking dahilan talaga na maaring mga anak nila ay hindi makapatuloy sa pag-aaral dahil nga kulang sa mga gamit mga kailagan sa pagpasok sa paaralan kaya kami sa Church People – Workers Solidarity ay nanawagan na maaring tumulong tayo na makabili at ma-provide natin ang school materials and supplies nung mga poorest sectors natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Alminaza.

Ang proyekto ay pangunahing ilulunsad sa Metro Manila kung saan makipagtulungan ang CWS sa iba pang mga Diyosesis sa Pilipinas upang higit na mapalawig ang proyekto.

Mensahe din ni Bishop Alminaza sa paglulunsad ng proyekto ang kahalagahan na matiyak ang bawat kabataan ay makatapos ng pag-aaral upang makapamuhay ng marangal at mai-ahon ang pamilya sa karukhaan.

“Laking tulong nito para makaahon din sila kasi equalizer dun yung education kaya sana kung may dumalo sayo o may lumapit sa inyo o kung maari din sa ating kapanalig na Radio Veritas,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 17,796 total views

 17,796 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 48,019 total views

 48,019 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 74,670 total views

 74,670 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 169,643 total views

 169,643 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 189,760 total views

 189,760 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top