Seguridad sa UNDAS, tiniyak ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Umapela ng tulong sa mga opisyal ng baranggay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang kaayusan sa pamayanan sa papalapit na Undas.

Ayon kay PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, kakailanganin pa rin ng mga pulis ang tulong ng mga Barangay officials upang maiwasan ang mga krimen at pagsasamantala ng ilang mga akyat bahay sa long weekend ngayong Undas, kung saan karamihan ng mga mamamayan ay nagpupunta sa mga sementeryo o di kaya’y umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

“Nakipag-uusap na din tayo sa mga barangay officials na kung pwede tumulong nga dahil maraming nagti-take advantage dito sa mga kababayan natin na lumuluwas o umaalis ng kani-kanilang mga tahanan for the very long weekend, napakahaba nitong Undas nito at sigurado may mag-titake advantage.” pahayag ni Albayalde sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Albayalde ang puspusang paghahanda ng PNP sa papalapit na Undas kung saan inaasahang sisimulang italaga sa ika-28 ng Oktubre ang nasa 7,000 mga pulis partikular na sa iba’t ibang mga bus terminal, pantalan, mga paliparan, Simbahan at nasa 99 na mga sementeryo sa buong Metro Manila.

“Ang start ng deployment ng PNP afternoon ng October 28, so by that time magtatalaga na tayo ng mga police assistance desk sa mga iba’t ibang sementeryo particularly dito sa Manila yung pinakamalaki natin is yung North Cemetery plus yung South Cemetery sa may bandang Makati area so yun yung napag-usapan, and here in Metro Manila we will be deploying around mga 7,000 na mga police for this purpose dun sa preparation deployment natin for Undas…” dagdag pa ni Albayalde.

Bukod dito, inaasahan rin ang pagtatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 3,000 – tauhan bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa na ipatutupad mula ika-28 ng Oktubre hanggang Nobyembre 2 kung saan inaasahang rin ang tulong mula sa pwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Local Government Units at ilan pang mga volunteers.

Kaugnay nito, umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng bawat mamamayan ang layunin ng Undas na paggunita sa mga namayapa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang mga himlayan at pag-aalay ng panalangin maging para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,408 total views

 48,408 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,277 total views

 44,277 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,479 total views

 80,479 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,169 total views

 89,169 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,381 total views

 114,381 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top