Paigtingin ang kamalayan sa panlipunang usapin, panawagan ng SCMP sa mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,125 total reads

Ipinaalala ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa mga kabataang mag-aaral na gamitin ang panunumbalik ng face-to-face classes upang paigtingin ang kamalayan sa mga panlipunang usapin..

Ayon kay Kej Andres – Pangulo ng SCMP, napapanahong magkaroon ng karagdagang kamalayan ang mga kabataan upang makatulong sa pagtugon sa mga kinakaharap na suliranin sa ekonomiya at kahirapan sa bansa.

“Hamon sa kabataan na iwaksi ang social isolation dulot ng lockdown, sa halip na magtunggali sa mababaw na bagay, dapat makitang magkakaugnay ang mga isyung kinakaharap ng kabataan lalo na sa usapin ng ligtas na balik-eskwela, mga polisiya sa ilalim ng lockdown, at halaga ng frontliners sa medisina at siyensiya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Apela ng SCMP sa pamahalaan na tiyakin na natatamasa ng mas marami pang kabataan ang karapatan na makapag-aral at makapagkamit ng edukasyon.

Kasabay ito ng panawagan sa mga tagapamahala sa sektor ng edukasyon na tiyakin na ligtas mula sa banta ng anumang virus at sakuna ang mga mag-aaral na magbabalik sa pag-aaral.

“Panalangin natin na tuluyan nang makabalik nang ligtas ang mga estudyante sa paaralan sa pinakamadaling panahon at ilaan ang mas malaking budget ng gobyerno para rito lalo na sa mga komunidad at malalayong lugar, dagdag panalangin nating igiit sa pamahalaan ang pagpaparami ng health personnel, health facilities, kakayahan sa testing at treatment, at iba pang impraestruktura upang matugunan ang karapatan sa edukasyon,” ayon pa sa mensahe ni Andres.

Batay sa Department Order #034 Series of 2022 ng DepEd na nilagdaan ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte, magsisimula ang limited face-to-face classes sa August 20 at sa November 02, 2022 naman iiral ang 100% face to face ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,886 total reads

 36,886 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,111 total reads

 117,110 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,558 total reads

 150,558 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,857 total reads

 185,857 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,006 total reads

 411,006 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top