Caritas Asia, humanga sa Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 714 total views

Nagpaabot na paghanga ang Caritas Asia sa mga programa at gawain ng Caritas Philippines bilang social action arm ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Sa online program ng Caritas Philippines na Caritas News On The Go, inihayag ni Caritas Asia Regional Coordinator Zar Gomez ang pasasalamat sa pangangasiwa at mainit na pagtanggap ng Caritas Philippines sa mga kinatawan ng 25-member organizations na Caritas Asia para sa apat na araw na regional meeting mula ika-18 hanggang ika-21 ng Hulyo, 2022 na isinagawa sa Tagaytay City.

Ayon kay Gomez, nawa ay maipagpatuloy ng Caritas Philippines ang magagandang programa nito lalo na para sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Maraming maraming salamat and we really hope that you continue your good works because actually Caritas Philippines is also one of the leading Caritas organizations in Asia, leading in a sense that to do have a lot of programs, you do have a lot of good people if not all of them are good people so congratulations on that,” ang bahagi ng pahayag ni Caritas Asia Regional Coordinator Zar Gomez.

Pagbabahagi ni Gomez, sadyang kahanga-hanga at maituturing na inspirasyon ang mga programa ng Caritas Philippines na itinatampok hindi lamang para sa mga kasaping bansa ng Caritas Asia kundi maging sa Caritas Internationalis.

Ayon kay Gomez, bilang isang Pilipino ay personal niyang ikinagagalak ang pambihirang pagtingin ng mga kasaping bansa ng Caritas Asia at Caritas Internationalis sa mga magagandang programa at gawain ng Caritas Philippines para sa mga nangangailangan sa Pilipinas.

“Keep up the good work and continue to inspire the other member organizations in Asia, your works is actually an inspiration to the region because many of the works of Caritas Philippines are being featured in not just the region in Asia but also in Caritas Internationalis level, so that alone being myself a Filipino is already a source of pride for us,” dagdag pa ni Gomez.

Sinabi ni Gomez na mahalagang maipagpatuloy ng Caritas Philippines ang mga magagandang programa nito hindi lamang upang mabigyan ng kagyat na tulong at ayuda ang mga nangangailangan sa oras ng kalamidad at sakuna kundi upang mabigyan din ng boses ang mga ito sa lipunan.

“Continue the good works, continue journeying with the people in communities in the Philippines particularly and ensuring that their voice are heard globally, nationally or even at the regional level in Asia,” ayon pa kay Gomez.

Bahagi ng layunin ng isinagawang regional meeting ng Caritas Asia ay upang higit na mapalakas at mapatatag ang kakayahan at maging ugnayan ng social action arm ng Simbahang Katolika sa Asya lalo na sa pagtugon sa iba’t ibang mga sitwasyon tulad ng kalamidad, sakuna at maging ang patuloy na malawakang krisis na idinulot ng pandemya.

Ang Caritas Asia ay binubuo ng 25-member organization sa rehiyon na nagsisilbing tagapangasiwa ng mga social action centers ng Simbahang Katolika sa Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,422 total views

 18,422 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 93,036 total views

 93,036 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 173,115 total views

 173,115 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,254 total views

 216,254 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,223 total views

 216,223 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top