Dicastery for Communication of the Holy See, nagpahayag ng suporta sa PCRI ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total views

Nagpahayag ng suporta at pagkilala ang Dicastery for Communication of the Holy See sa inilunsad na Pastoral Communication Research Institute ng Diocese of Kalookan na naglalayong palakasin ang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting salita ng Diyos.

Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinaabot ni Theological-Pastoral Department Director Natasa Govekar ang pagkilala at suporta ng Dicastery for Communication of the Holy See sa panibagong misyon at adbokasiya ng Diyosesis ng Kalookan na higit na palaganapin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pakikinig sa mga saloobin at pangangailangan ng mamamayan.

“On behalf of our Prefect, Mr. Paolo Ruffini, and of the Dicastery for Communication of the Holy See, I wish to extend a sincere appreciation and encouragement for this new mission of the Diocese of Kalookan to open a research institute dedicated to Church’s communication. Especially the focus on the new needs and languages of the people to whom the Diocese instends to address the proclamation of the good news of the gospel of our Lord Jesus Chrust is very much valued.” mensahe ni Govekar.

Ayon sa opisyal ng Vatican, mahalaga ang iba’t ibang inisyatibo at pagsusumikap ng bawat diyosesis at mga lokal na komunidad upang higit na mapag-alab ang misyon ng Simbahan alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pakikinig at pakikipagdayalo tungo sa ganap na pakikipag-ugnayan sa bawat isa.

“Indeed, we consider very important for the Church that dioceses and local communities respond with creativity and commitment to call for listening and dialogue that Pope Francis never ceases to repeat, especially at this time when the universal Church is rediscovering its synodal nature,” dagdag pa ni Govekar.

Unang inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang konsepto ng Pastoral Communication Research Institute na inilunsad ng diyosesis ay tugon sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

Gayundin sa kultura ng pakikipagdayalogo upang magabayan ang Simbahan na higit na maging epektibong tagapagpalaganap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagwaksi ng anumang kasinungalingan partikular na ang disinformation sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 17,625 total views

 17,625 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 47,848 total views

 47,848 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 74,499 total views

 74,499 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 169,472 total views

 169,472 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 189,602 total views

 189,602 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top