Diocese of Sorsogon, nangangailangan ng mga may kasanayan sa “psychological first aid”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,319 total views

Umaapela ang Diocese of Sorsogon ng mga may kasanayan sa psychological first aid para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. George Fajardo, Social Action Director ng Diocese of Sorsogon sa Radyo Veritas Social Service Program na isa sa kanilang programa para sa mga naapektuhan ng volcanic eruption.

Ayon kay Fr. Fajardo, nakita ng kanilang grupo ang epekto sa mental health ng mga mamamayan ang pagputok ng Bulkang Bulasan dahilan upang isa ito sa kanilang pagtutuunan ng pansin at hanapan ng mga eksperto.

“Sa ngayon isa sa nakita ng grupo namin na kulang [ay] tungkol sa Psychological First Aid sa mga victims, kaya nga nag-contact kami sa mga tumutulong sa amin sa Manila area na magkaroon ng training para sa ganoong intervention,” mensahe ni Fr. Fajardo sa Radio Veritas.

Magugunitang ika-12 ng Hunyo ng kasalukuyang taon nang magkaroon ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon dahilan para ilikas ang ilang mga residente at mabalot ng ash fall ang mga bayan ng Juban at Casiguran.

See: https://www.veritasph.net/caritas-sorsogon-tiniyak-ang-tulong-sa-mga-apektado-ng-pagbuga-ng-ash-fall-ng-bulkanh-bulusan/

Tiniyak naman ni Fr. Fajardo na tuloy-tuloy pa din ang mga ginagawang pagtulong ng Diocese sa mga naapektuhang residente sa pamamagitan ng Parokya ng San Antonio De Padua sa bayan ng Juban lalo na sa bahagi ng rehabilitasyon at programang pangkabuhayan.

“Lahat ng gusto tumulong pinapadirekta na namin sa San Antonio de Padua Parish ng Juban, sa ngayon kasi ang need sa lugar ay rehabilitation and livelihood enhancement para mas madali maka-recover sa mga problema,” paglalahad ng Pari.

Unang iniulat ng Department of Agriculture na umabot sa Php3.12-million ang pinsalang idinulot ng pagliligalig ng Bulkang Bulusan sa sektor ng agrikultura sa mga bayan ng Irosin, Juban at Casiguran sa lalawigan ng Sorsogon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,699 total views

 41,699 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 85,307 total views

 85,307 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,999 total views

 168,999 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 183,067 total views

 183,067 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 77,817 total views

 77,817 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top