Parusahan ang mga sangkot sa war on drug ng administrasyong Duterte, panawagan sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 923 total reads

Usigin, panagutin at parusahan ang lahat ng sangkot sa war on drugs ng PDU30.

Ito ang patuloy na panawagan sa International Criminal Court (ICC) ng Rise Up for Life and for Rights na binubuo ng mga pamilya ng biktima ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa grupo, mahalagang ipagpatuloy ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon kaugnay sa madugong War on Drugs upang maisiwalat ang katotohanan sa likod ng malawakan at sistematikong pagpaslang sa maraming mahihirap na naparatangang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Nais naming ipahayag sa Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) na karapat dapat lang maipagpatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs upang maisiwalat ang totoong malawakan at sistematikong pagpaslang sa maraming mahihirap sa mga taon ng pamumuno ni Rodrigo Duterte,” panawagan ng Rise Up for Life and for Rights sa ICC.

Nanindigan ang pamilya ng mga biktima ng War on Drugs na hindi gawa-gawang kuwento lamang ang sinapit na karahasan ng kanilang mga mahal sa buhay na basta pinatay at hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang sarili ng naaauyon sa proseso ng batas.

Pagbabahagi ng grupo na walang anumang suporta o resulta ng ginawang imbestigasyon ng pamahalaan ang kanilang natanggap kaugnay sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Wala kaming naasahang suporta o resulta sa ginawang imbestigasyon ng gobyerno o ng kinauukulan para sa mga mahal namin sa buhay na pinaslang. Kahit kailan hindi sila nakipag usap o nagbigay ng mga detalye sa aming mga pamilya ng biktima para sa pag usad ng imbestigasyon kung meron man silang ginawa. Wala isa man sa aming pamilya na biktima ng war on drugs ang naging bahagi ng kanilang imbestigasyon,” dagdag pa ng pamilya ng mga biktima ng War on Drugs.

Tiniyak rin ng grupo ang patuloy na pakikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng paglagda sa victims participation and reparations section o VPRS ng ICC kasabay ng patuloy na pangangalap ng mga kinakailangang ebidensya at pahayag sa marahas na polisiya ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng grupo na dapat maparusahan ang lahat ng mga sangkot sa malawakang pagpaslang sa ilalim ng polisiya ng administrasyong Duterte.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9 na libo katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20-libo ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 83,821 total reads

 83,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,015 total reads

 118,015 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,315 total reads

 153,315 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,584 total reads

 379,584 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,534 total reads

 268,534 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top