Isabuhay ang pagtulong sa kapwa, panawagan ng pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

Isabuhay ang pananalig na ipinakita ng magkakapatid na Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro sa mga inisyatibong tutulong sa kapwa.

Ito ang mensahe ni Father Hans Magdurulang – Parochial Administrator ng San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City sa pagdaraos ng parokya ng Medical Mission na libreng check-up at gamot sa may 500 baranggay workers at church volunteers ng parokya.

Ayon sa Pari, kawangis ng paglilingkod at pananalig sa Panginoon ng magkakapatid na Santo na ginugunita ngayong araw ang kapistahan ay ipanapakita ng mga volunteers at Medical Doctors.

“Katulad ni Marta na binigyan ng kakayahan ng talino ng kapangyarihang magpagaling sa pamamagitan ng kaniyang propesyon, si Maria ay isang magandang larawan din ng mga pasyente na makinig, so tamang-tama ang medical mission natin ngayon sa pagdiriwang natin ng tatlong magkakapatid na ito and eventually kung paano binuhay ni Hesus si Lazaro,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Magdurulang.

Nagpapasalamat naman ang Ritemed Philippines na pangunahing naglunsad ng Medical Mission sa mga volunteers sa San Felipe Neri Parish bilang pagdiriwang ng ika 20 anibersaryo ng kompanya.

Ayon kay Edwin Nicolas Operations Manager ng Ritemed Philippines, naging posible ang paglulunsad ng proyekto sa tulong ng medical health workers at volunteers mula sa San Felipe Neri Parish , Caritas Manila, Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on health care, CBCP Nassa/Caritas Philippines at Far Eastern University Nicanor Reyes Medical Foundation.

Ayon pa sa kompanya, ang medical mission ay inilunsad upang matulungang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ng mga benepisyaryong manggagawa higit na ngayong pandemya kung saan kinakaharap ng buong mundo ang ibat ibang krisis pang ekonomiya.

Tiniyak din ni Father Magdurulang na mahigpit na ipinatupad ang Minimum health protocol upang mapangalagaan laban sa banta ng virus ang mamamayan, health and baranggay workers at volunteers na dumalo sa proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 26,221 total reads

 26,221 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 57,493 total reads

 57,493 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 135,767 total reads

 135,767 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 229,993 total reads

 229,993 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 289,595 total reads

 289,595 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top