Muling mapag-alab ang misyon ng Simbahan, tiniyak ng PCNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 862 total views

Inihayag ng Philippine Conference on New Evangelization na paglalaanan ng panahon ng simbahan ang paggawa ng mga hakbang na muling mapag-alab ang misyon ng simbahan.

Ayon kay PCNE Director Father Jayson Laguerta tatalakayin sa ikawalong PCNE ang pagpapalakas sa mga parokya sa bansa na labis naapektuhan ng pandemya at iba pang mga hamong kinakaharap ng simbahan. Sinabi ng pari na tema sa PCNE 8 ang ‘Transforming Parishes 2022’ na layong suriin ang iba’t ibang dahilan na nagpahina sa misyon ng simbahan.

“The objective is how to transform parishes so that we will respond to the challenges of the times, basically renewal of parishes at paano lumakas ulit ang simbahan,” pahayag ni Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari ang negatibong epekto ng pandemya sa mga parokya lalo na sa paglilingkod, sa ministry at maging ang pagdalo ng mananampalataya sa mga religious gatherings makaraan ang halos dalawang taong pagsara ng mga simbahan bunsod ng pag-iingat laban sa COVID-19.

Dumalo sa PCNE 8 ang mga obispo, pari at relihiyoso na pangunahing tagapagtaguyod sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa at sa mga komunidad na pinagmimisyunan.

Paliwanag ni Fr. Laguerta ay bahagi pa rin ito ng synodal consultations subalit nakatuon sa mga lingkod ng simbahan.

“Ito actually ay follow up ng synodal consultations at ito ay naka focus sa mga pari muna para lang magkaroon ng pagkakataon ang mga pari na palalimin ang pagninilay sa synodal church at ang ibig sabihin nito which is missionary,” ani Fr. Laguerta.

Pinangunahan ng Divine Renovation Ministry mula Halifax Canada ang mga panayam batay sa kanilang programa na ‘Divine Renovation: Bringing Your Parishes from Maintenance to Mission.’

Ibinahagi ni Fr. Laguerta na sa pamamagitan ni Divine Renovation Ministry Founder Father James Mallon inilahad nito ang mga programa at pamamaraan para muling sumigla ang simbahan at mahikayat ang pamayanan na maging aktibo.

“Fr. James Mallon of Divine Renovation given a very good model of how to re-ignite parishes or transform parishes from being maintenance parishes to missionary parishes,” saad ni Fr, Laguerta.

Ginanap ang two-day conference sa San Carlos Seminary sa Makati City nitong August 3 at 4 na dinaluhan ng halos 500 indibidwal na binubuo ng mga obispo, pari at relihiyoso.

Pinangunahan naman ni Anna Stuart, Director ng Global Operations ng Divine Renovation Ministry ang grupo mula Canada na nagbigay ng mga panayam sa PCNE 8.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 56,883 total views

 56,883 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 100,491 total views

 100,491 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 183,727 total views

 183,727 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 196,587 total views

 196,587 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top