Pagtatag ng Prison Ministry sa bawat Diyosesis, hamon sa CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,203 total reads

Ang misyon at tungkuling ginagampanan ng Prison Ministry ng Simbahan ay isang kongkretong pagpapamalas ng ‘synodality act’ para sa mga bilanggo.

Ito ang ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa online program ng kumisyon na ‘Narito ako, Kaibigan mo!’ na pakikiisa at pakikinig sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.

“Ang ginagawa natin sa Prison Ministry is a real synodality act na nakikiisa tayo, nakikinig tayo sa mga PDLs.”pahayag ni Bishop Baylon.

Ayon sa Obispo, tugmang tugma ang panawagan ng Synod on Synodality ng Santo Papa Francisco sa pakikiisa at pakikinig ng Prison Ministry ng Simbahan sa mga hinaing, kalagayan at panawagan ng mga bilanggo.

Aminado naman si Bishop Baylon sa pagkukulang ng Simbahan kung saan mas higit na marami ang mga layko na naglilingkod bilang Volunteer in Prison Service (VIPS) kaysa sa mga Pari.

“Tugmang tugma itong Synod on Synodality sa ginagawa natin sa Prison Ministry kasi kung titingnan natin interpretasyon natin ito mga ginagawa nandun na ginagawa na talaga natin kaya lang, yun nga nakasanayan na natin na ibinibigay natin ito sa karamihan sa mga layko, mga VIPS [Volunteer in Prison Service], iilan lang talaga ang pari na nandito sa ministry na ito.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Inihayag ni Bishop Baylon na isa sa mga hamon ng komisyon na makumbinsi ang mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis na magtatag ng prison ministry para sa kapakanan ng mga bilanggo.

“Isa ito sa mga challenges natin sa komisyon, na we encourage the Bishops to identify priests to be part of the ministry ngayon kung talagang gusto nating seryosohin itong Synod on Synodality na ito. Isa ito sa mga aspektong dapat pagtuunan ng pansin, ang Prison Ministry sa mga diyosesis. pahayag ni Baylon

Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na nagsisilbing daluyan ng biyaya ng Panginoon para sa mga bilanggo.
Sa kasalukuyan maroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,591 total reads

 77,591 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,282 total reads

 112,282 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,582 total reads

 147,582 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,851 total reads

 373,851 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,053 total reads

 263,053 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top