Ipanalangin ang mga pari, tungo sa tunay na paglilingkod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,129 total reads

Umapela si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya na patuloy suportahan ang mga pastol ng simbahan kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng mga Kura Paroko.

Paliwanag ni Bishop Pabillo higit kinakailangan ng mga pari ang dasal at suporta upang makapagpatuloy sa gawaing pagmimisyon lalo na sa mga parokya.

“Ipanalangin natin ang mga kaparian, nawa sa tulong ng panalangin at halimbawa ni St. John Baptist Marie Vianney ang mga pari ay maging banal tulad ng kanyang paglilingkod,” pahayag ni Bishop Pabillo.

August 4, nang ipagdiwang ng simbahan ang kapistahan ni San Juan Maria Vianney kaya’t inilaan ng simbahan sa Pilipinas ang Linggo na malapit sa nasabing petsa para sa mga pari lalo na ang mga namamahala sa mga parokya.

Nagsagawa ng second collection ang bikaryato para tulungan ang mga gawain ng paghuhubog at pagsasanay sa mga pari na makatutulong sa paglilingkod sa mananampalataya.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, bagamat dumaan sa mahabang panahon ng pag-aaral bago maging pari mas mahalaga na maipagpatuloy ang mga paghuhubog sapagkat nagbabago ang mga hamon sa mga pari sa kanilang paglilingkod sa komunidad.

“Tulungan natin ang patuloy na paglago nila sa kanilang bokasyon sapagkat sila ang gabay natin sa pananampalataya,” giit ni Bishop Pabillo.

Sa Pilipinas nasa 10-libo ang mga pari na nangangasiwa sa mahigit 80-milyong katoliko sa tatlong-libong mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 37,613 total reads

 37,613 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,802 total reads

 117,802 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,250 total reads

 151,250 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 186,549 total reads

 186,549 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,671 total reads

 411,671 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top