Diocese of Maasin, pinaghahandaan ang “The Bigger One”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Paiigtingin ng Diyosesis ng Maasin, Southern Leyte ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga parokya bilang paghahanda sa epekto ng “The Bigger One”.

Ito ang tiniyak ni Maasin Diocesan Social Action Director Fr. Harlem Gozo sa panganib na maaaring idulot ng Leyte Fault Line na itinuturing na pinakamalaking fault line sa bansa kumpara sa ‘The Big One’ o Marikina West Valley Fault.

Sinabi ni Fr. Gozo na magsasagawa ng mga pagpupulong ang diyosesis sa pakikipagtulungan ng Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang magkaroon ng kaalaman at paghahanda laban sa sakuna.

“Meron kaming gagawing series of meetings and one of our initial plans ay mag-conduct ng special earthquake drill together with the provincial and municipal offices at tsaka ‘yung mga parokya natin on the part of the church,” pahayag ni Fr. Gozo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na regular na ginagawa sa lalawigan ang earthquake drills bilang pagpapabatid sa publiko ng kahalagahan ng pagiging handa kapag naganap ang mga paglindol at tsunami.

Aminado naman si Fr. Gozo na may ilang parokya ang hindi madalas nakikibahagi sa mga pagsasanay at nagiging kampante lamang gayong walang gaanong sapat na kaalaman at kahandaan hinggil sa mga sakuna.

Kaya naman sisikapin ng diyosesis na ang lahat ng social action centers sa bawat parokya ay makikibahagi sa mga earthquake drill at seminar lalo na’t malaking banta ngayon sa Southern Leyte at mga karatig na lalawigan ang ‘The Bigger One’.

“So we are thinking para sa initial plans namin at ifa-finalize pa kung kailan kami magsasagawa ng earthquake drills. So ang plano ay i-involve natin lahat ng mga social action centers dito sa mga parokya, simbahan, at mga kapilya,” dagdag ni Fr. Gozo.

Sa isang panayam nitong Agosto 7, inihayag ni Eastern Visayas Office of Civil Defense Director Lord Byron Torrecarrion na maaaring magdulot ng malaking pinsala ang Leyte Fault Line sakaling maganap ang magnitude 7 earthquake, katulad nang naganap sa Northern Luzon nitong Hulyo 27.

Nilinaw naman ng OCD Region 8 na hindi intensyon ng opisyal na magdulot ng pangamba sa publiko bagkus ay magbigay ng impormasyon at kahalagahan ng kahandaan sa lindol at epekto nito.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,100 total reads

 5,100 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 59,620 total reads

 59,620 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,411 total reads

 96,411 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,675 total reads

 128,675 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,296 total reads

 179,296 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,914 total reads

 240,914 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,726 total reads

 52,726 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top