3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,248 total reads

Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region, Cagayan Valley and the Cordillera Administrative Region na labis napinsala ng 7.3 magnitude na lindol.

Tiniyak ng opisyal ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang tukuyin ang iba pang kinakailangang tulong na maaring gawin ng institusyon.

“We are also working closely with our fellow government agencies, as directed by President Ferdinand Marcos, Jr., so that we can maximize our collective assets towards providing for the needs of our fellow Filipinos affected in these areas,” bahagi ng pahayag ni Acuzar.

Sa nasabing Calamity Loan program maaaring mangutang ang Pag-IBIG Fund member ng hanggang 80-porsyento ng total savings na kinabibilangan ng buwanang kontribusyon, employer’s contribution at mga kinitang divedendo.

Ipinaliwanag ng institusyon na maaaring bayaran ang utang sa loob ng tatlong taon sa 5.95-percent rate per annum ang pinakamababang interes kumpara sa iba pang nag-aalok ng pautang.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na nagpadala ito ng mobile branch o ang Lingkod Pag-IBIG On-Wheels sa mga lugar na naapektuhan upang mas mapabilis ang pagtugon ng institusyon sa pangangailangan ng mga apektadong miyembro.

Ayon pa ni Moti na bagamat apektado ang mga tanggapan ng Pag-IBIG Fund sa mga nabanggit na rehiyon nakahanda pa rin itong magbigay ng assistance sa nangangailangang kasapi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hustisyang matagal nang hinihintay

 1,341 total reads

 1,341 total reads Mga Kapanalig, sisimulan na ngayong araw ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (o ICC). Siya ang kauna-unahang dating

Read More »

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 151,145 total reads

 151,145 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 209,311 total reads

 209,311 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 345,816 total reads

 345,816 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top