Living Laudato Si-Philippines, makikibahagi online Francesco Economics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total views

Tiniyak ng Living Laudato Si Philippines ang pakikiisa sa paggunita ng Economy of Francesco (EOF) sa Setyembre.

Ayon kay Rodne Galicha-executive director ng Living Laudato Si Philippines, ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa sa huling linggo ng Setyembre, kabilang na ang pagtitipon ng mga kabataan, economic leaders at expert upang talakayin ang Francesco economics.

“Magkikita-kita rin sa iba’t ibang platforms ang mga Pilipinong naging aktibo sa Economy of Francesco upang pag-aralan at pagkilusan ang kasalukuyang mga hamon sa environmental sustainability dito sa ating bansa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Galicha sa Radio Veritas.

Ang talakayan ay gaganapin sa pamamagitan ng Zoom Conference na maaring matunghayan sa official Facebook page ng Living Laudato Si Philippines.

Pangunahing layunin ng pagtitipon na ipaalam sa publiko ang mga suliranin ng pamayanan at nararanasang paniniil ng malalaking korporasyon na nakakasira pa sa mga likas na yaman ng Pilipinasa.

“Bibigyang diin rin ang kahalagahan ng komunikasyon lalung-lalo na ang mga kuwento ng mga pamayanang lubos na nagdurusa dulot ng mga negosyo’t industriyang sinisira ang likas na yamang pinagkukunan ng kabuhayan,” ayon pa sa mensahe ni Galicha sa Radio Veritas.

Ang Francesco economics ay pandaigdigang inisyatibo na nilikha sa pangunguna ng Italian Economist na si Luigino Bruni.

Taong 2019 nang manawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na lumikha ng bagong paraan nang hindi nakatuon sa ‘kita’, sa halip ay pagbibigay halaga sa mga nangangailangan at sa kalikasan.

Ngayong taon, September 22-24 ay isasagawa ang kauna-unahang face-to-face conference sa Assisi Italy matapos ang dalawang taon pagdaraos online dahil sa banta ng COVID-19.

Sa huling araw ay inaasahan ang pagdalo ni Pope Francis upang makipag-diyalogo sa mga kinatawan ng mahigit 100-bansa delegado ng pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 104,498 total views

 104,498 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 148,106 total views

 148,106 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 230,006 total views

 230,006 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 238,420 total views

 238,420 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top