Laiko, hinikayat ng CBCP-ECL na makibahagi sa National Laity Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,101 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang bawat laiko na makibahagi sa nakatakdang National Laity Week.

Ibinahagi ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg – chairman ng kumisyon, na nakatakda ang paggunita ng National Laity Week sa ika-24 ng Setyembre hanggang unang araw ng Oktubre.

Tema ng National Laity Week 2022 ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission” na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

“Sa ngalan po ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay inaanyayahan ko kayo mga kapatid naming laiko na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang natin ng National Laity Week na gaganapin sa September 24 hanggang October 1, 2022. Ang tema ng ating pagdiriwang ay “Journeying together and reflecting together on the journey that has been made: Communion, Participation and Mission”.” paanyaya ni Bishop Macaraeg.

Nakatakda ang launching ng National Laity Week sa ika-24 ng Setyembre, 2022 mula alas-syete ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa San Carlos Seminary Complex Guadalupe, Makati City.

Pinangangasiwaan ang event ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan Katolika sa buong bansa.

Layunin ng taunang paggunita ng National Laity Week ang mabigyan ng malalim na kamalayan ang mga layko sa kanilang misyon bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatuloy ng ebanghelisasyon at pagsasakatuparan ng kaligtasan na sinimulan ni Hesus para sa sanlibutan.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,437 total reads

 70,437 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,811 total reads

 105,811 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,111 total reads

 141,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,380 total reads

 367,380 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,857 total reads

 256,857 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top