Pakikipagkasundo ng gobyerno sa China, isang diplomatic strategy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Naniniwala si Veritas 846 Senior Political Advisor Professor Ramon Casiple – Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform na epektibo ang kasalukuyang ginagamit na paraan ng Administrasyon upang makalapit at makipagdayalogo sa China kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ayon kay Casiple, ang paglapit ng administrasyong Duterte sa China ay hindi nangangahulugan ng pagsuko ng Pangulo sa soberenya ng bansa sa halip ay isa lamang paraan upang makalapit at direktang matalakay ang naturang usapin para maiwasan ang paggamit ng puwersa kung saan malinaw na dehado ang ating bansa.

“Hindi naman natin isusuko, i doubt kung si Presidente Duterte isusuko yun, ang sinasabi ko yung paraan paano ilaban, kasi kung military wala tayong kakayahan ang Kano siguro meron pero ayaw naman ng Kano na lumaban para sa atin, wala naman sa interes nila yun ang napatunayan in fact sa Panatag Shoal case kaya nawala yung Panatag akala ni Presidente Aquino ay makikialam ang US, eh hindi nadali tayo, yun ang reality ng sitwasyon diyan,” pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Matapos ang apat na araw na state visit ni Pangulong Duterte sa China ay nakalapit na muli ang mga Pilipinong mangingisda sa gilid ng Scarborough Shoal o Panatag Shoal upang makapangisda makalipas ang apat na taon.

Sa pinakahuling satellite image ng Asia Maritime Transparency Initiative, makikita ang bangka ng mga mangingisdang Pilipino na nakaangkla sa gilid ng bahura, ngunit nananatili pa ring nakaharang ang Chinese Coast Guard sa pasukan ng Panatag Shoal kaya’t walang pa ring nakakapasok sa loob ng mismong Scarborough Shoal na siyang proteksyon sana ng mga bangka mula sa hangin at alon.

Ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinaraan ng tinatayang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal mula sa iba’t ibang bansa kada taon.

Samantala, magugunitang maging ang Kanyang Kabanalan Francisco ay binigyang diin rin sa harapan ng mahigit 150-lider sa buong mundo na kasapi ng United Nations ang pagkilala sa karapatan at pagmamay – ari ng teritoryo lalo na ng mga mahihirap na bansa.

Iginiit naman ni CBCP Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat ipaglaban ng pamahalaan ang pagmamay-ari sa Panatag at Scarborough shoal na pinagtibay ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands.

See: http://www.veritas846.ph/pagmamay-ari-sa-panatag-scarborough-shoal-ipaglaban-ng-pamahalaan/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 101,133 total reads

 101,133 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 132,862 total reads

 132,862 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 234,687 total reads

 234,687 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 275,247 total reads

 275,247 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 291,402 total reads

 291,402 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 56,977 total reads

 56,977 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top