Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Due process, ipatupad sa kampanya kontra illegal gambling

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Suportado ng isang anti – gambling advocate ang susunod na kampanya ng Philippine National Police o PNP sa taong 2017 laban sa mga iligal na sugal sa bansa.

Ayon kay dating CBCP president at Lingayen – Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz, tama lamang na tutukan ng PNP ang talamak na sugal sa bansa lalo na ang mga small time lottery at jueteng na pinabayaan ng nakaraang administrayon.

Paalala ni Archbishop Cruz na sa kabila ng kampanya laban sa iligal na sugal ay manaig pa rin ang “due process” of law sa lahat ng mga sangkot dito.

Aniya, hindi dapat maisantabi ang karapatan ng mga mahuhuli sa ganitong gawain tulad ng umiiral sa kampanya kontra iligal na droga.

Umaasa din ang Arsobispo na kasabay ng maigting na kampanya kontra iligal na sugal mapabilis rin ang sistema ng hudikatura upang mapasara na rin ang halos 35 casino sa bansa na sumirira sa moralidad ng mamamayan.

“Yung ating justice system pag – ibayuhin, at gawing mabilis ng konti kasi mabagal pa sa lakad ng pagong. Ang justice natin panibaguhin, bilisan at gawin namang kapani – paniwala. Pero para sa isang sibilisadong bansa at sana maging maunlad na bansa, yung droga at iligal na sugal kasama na rin yung 35 casino at ito ay pamana noong nakaraang administrasyon. Uulitin ko sa lahat ng ito tama, na itong mga kasamaang ito ay dapat kalabanin at alisin pero ang buhay ng tao ay dapat igalang rin kahit paano,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Naunang nangako si PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sa taong 2017 makakatuwang nila ang Philippine Charity Sweepstakes Office na siyang ginagamit na front ng mga jueteng lords sa kanilang operasyon.

Nabatid batay sa asiabet.org ang Asya ang may pinakamalaking pasugalan sa buong mundo.

Hindi ito nakakasorpresa dahil ang 4.2 bilyong mga residente dito ay kumakatawan sa 60% ng buong populasyon sa mundo.

Samantala, maituturing ang pagsusugal bilang isa sa 7 deadly sins dahil ito ay pagbabaka-sakali na paramihin ang pera sa hindi pangkaraniwang paraan o hindi pinagpaguran.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,812 total views

 28,812 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,529 total views

 40,529 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,362 total views

 61,362 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,789 total views

 77,789 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,023 total views

 87,023 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,378 total views

 37,378 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,435 total views

 36,435 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,565 total views

 36,565 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,544 total views

 36,544 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top