Pakikinig sa tinig ng kalikasan, ilalakip na intensyon sa Penafrancia festival

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 749 total reads

Tiniyak ng Archdiocese of Caceres ang pagtalima sa panawagan at tema ng Season of Creation ngayong taon na “pakikinig sa tinig ng kalikasan”.

Sa liham pastoral ni Archbishop Rolando Tria Tirona, hinihimok nito ang mga mananampalataya na muling basahin at pagnilayan ang ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan, at ibahagi ang mga aral nito sa kapwa.

Nangako rin ang arsobispo na isama at pagnilayan ang tema ng panahon ng paglikha kasabay ng pagdiriwang ng Arkidiyosesis sa Peñafrancia Festival kung saan isinasagawa ang traslacion ng imahen ng El Divino Rostro at Mahal na Birhen ng Peñafrancia.

“During this Season of Creation 2022, we commit ourselves to integrate this theme into our celebrations of the festivities in honor of El Divino Rostro and Our Lady of Peñafrancia,” bahagi ng liham pastoral ni Archbishop Tirona.

Layunin din ng Arkidiyosesis na maglunsad ng mga programa sa mga parokya at pamayanan upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan laban sa epekto ng climate change at unti-unting pagkasira.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at ang pagpapaigting sa panawagan upang pigilan ang operasyon ng quarrying, at iba pang ilegal na gawaing pumipinsala sa mga likas na yaman lalo na sa lalawigan ng Naga.

Hinihimok din ni Archbishop Tirona ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan upang mangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

“We commit ourselves to organize and form our youth to be friends, protectors and servants of creation,” ayon kay Archbishop Tirona.

Ang Season of Creation ay panahon kung saan nagkakaisa ang Simbahang Katolika at iba pang Kristiyanong denominasyon upang manalangin at panibaguhin ang mga tungkulin para sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,226 total reads

 17,226 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,306 total reads

 77,306 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 162,673 total reads

 162,673 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,409 total reads

 209,409 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,280 total reads

 257,280 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,455 total reads

 357,455 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,681 total reads

 170,681 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top