Simbahan ng Cotabato, hinikayat ang mamamayan ng Maguindanao na makibahagi sa plebisito

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Muling nanawagan ang simbahan ng Cotabato sa mamamayan ng Maguindanao na makibahagi sa plebisito sa September 17.

Ang plebisito ay kaugnay sa paghahati ng Maguindanao bilang dalawang bahagi- ang Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Cotabato Archbishop Angelito Lampon, mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan Maguindanao upang matiyak ang matapat na resulta ng plebisito at mapakita ang tunay na nais ng pamayanan.

“My message is, go out and participate for the sake of a credible and democratic division of North and South Maguindanao.” Ang bahagi ng pahayag ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Arsobispo, bagamat maituturing na pormalidad na lamang ang plebisito dahil sa kawalan ng malinaw na oposisyon sa paghahati sa lalawigan ay mahalaga pa rin na maibahagi ng mamamayan ang kposisyon at pananaw para sa Maguindanao.

Pagbabahagi ni Archbishop Lampon, mas higit na nakababahala ang susunod na magiging hakbang matapos ang paghahati sa lalawigan lalo na ang proseso sa pagpili o paghahalal ng mga bagong magsisilbing lider ng hahatiing lalawigan ng Maguindanao.

“After the division of Maguindanao yan ang mas delikado. Who will be the next set of leaders? Will they be elected or appointed?” Ayon kay Archbishop Lampon.

Umaasa naman ang Arsobispo na maging mapayapa ang isasagawang plebisito.

“BARMM Comelec and PNP have designated PNP check points all over Maguindanao Province. The plebiscite will be peaceful.” Pahayag pa ni Archbishop Lampon.

Bahagi ng nasasakupan ng Archdiocese of Cotabato ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Batay sa tala may 939,011 registered voters ang Maguindanao na may karapatang bumuto sa nakatakdang plebisito.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, hindi dapat balewalain ang kasagraduhan ng pagboto bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,284 total reads

 4,284 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 41,664 total reads

 41,664 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 72,935 total reads

 72,935 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,201 total reads

 150,201 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,210 total reads

 244,210 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,236 total reads

 23,236 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top