Kinatawan ng Pilipinas sa World Meeting ng Economy of Francesco, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total views

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs ang 10-kinatawan ng Pilipinas na dadalo sa World Meeting ng Economy of Francesco.

Inihayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-ECPA na katangi-tanging karangalan ang mapabilang sa pagtitipon na ang layunin ay isabuhay ang panawagan ng Santo Papa na lumikha ng bagong sistema sa ekonomiya na makatao at makakalikasan.

Tatlo sa 10-delegado ng Pilipinas ay sina Viory Yvonne T. Janeo, Faculty, School of Economics ng University of Asia and the Pacific, Alyssamae A. Nuñez, Faculty, School of Economics ng University of Asia and the Pacific at Diana Rueda, Faculty, School of Economics ng University of Asia and the Pacific.

Kaugnay nito, magtutungo ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa Sabado ika-24 ng Setyembre 2022 sa Assisi Italy upang makipagdiyalogo sa mga kabataan, economic leaders at students na kabilang sa world meeting ng Economy of Francesco (EoF) Movement.

Bukod sa personal na pagpunta ng Santo Papa ay magiging tampok sa pagbisita ang paglagda ng lider ng Simbahang Katolika at mga kinatawan ng ibat-ibang bansa na kabilang sa pagtitipon sa ‘kasunduan’.

Ito ay ang kasunduan ng pagbabago o paglikha ng mga bagong sistema sa ekonomiya ng bawat isa na may pangangalaga sa kapwa at kalikasan.

Ayon sa EOF Executive Committee, ganap na alas-9 ng umaga, oras sa Vatican aalis ang Santo Papa patungo sa Assisi Italy kung saan sasalubungin at bibigyang pagpupugay ito ng mga Obispo ng Diocese of Assisi, Diocese of Foligno kasama ang mga EOF Executive Committee Members at opisyal ng pamahalaan sa Italya.

Sa panayam ng Radio Veritas, ipinagdarasal ni Aiza Asi, isang estudyanteng pinay na executive committee member ng E-O-F na maging bukas ang puso at kaluluwa ng mga kabataan sa pakikipagdayalogo kay Pope Francis.

“Panalangin ko lang ay talagang maging bukas yung puso at kaluluwa ng ating mga kabataan kasi pag na-meet natin ang Pope sa 24th he will come to meet the young people, to dialogue with us, to listen to us, so sana panalangin natin yung mga Pilipino na ito yung talagang tatatak sa puso at isipan ng mga kabataang ito,” pahayag ni Asi sa Radio Veritas

Tampok rin sa pagtitipon ang plorera na dinesenyuhan ng mga mag-aaral ng Seraphic Institute of Assisi na paglalagyan ng kasunduan ng Santo Papa at 1-libong mga kabataan, economic students at leaders.

“Hindi lang kabataan, mga kabataang ekonomista na talagang maging bukas sa panawagan ng Santo Padre, ng Banal na Espiritu at maging daan upang magkaroon nung change na gusto natin para sa ating bansa sa Pilipinas. Sana’y samahan niyo rin kami dito sa aking dasal at subaybayan niyo kami habang naglalakbay kami patungo sa isang bagay na magbabago ng ating pananaw sa ekonomiya,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Asi.

Sa world meeting ng EOF, ay hinati ang mga kinatawan sa 12-villages o grupo na tumalakay sa mga paksa at suliranin sa finance and humanity, business in transition, carbon dioxide of inequality, agriculture and poverty, energy and poverty, women for economy, business and peace, life and lifestyle, work and care, policies for happiness, management and gift at vocation and profit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,432 total views

 22,432 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,783 total views

 50,783 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,513 total views

 118,513 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,664 total views

 141,664 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,210 total views

 210,210 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,736 total views

 7,736 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top